top of page
Search
BULGAR

Pagbangon ng turismo, tuluy-tuloy na sana

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | April 13, 2023



Tila ‘back on track’ na ang turismo ng bansa.


Ayon sa Tourism Congress of the Philippines, naobserbahan ang pagdami ng turista sa mga top destination kagaya ng Boracay, Mactan sa Cebu, Siargao, Bohol, at Palawan sa nakaraang Holy Week.


“All the hotels are full, especially the hotels in the popular destinations. They’re full and they’re charging high because they know it is peak (season) and that’s the only time they can recover.


We’re very happy with what’s happening,”ani Roberto Z. Zozobrado, ang president ng TCP.


☻☻☻


Naniniwala naman si Benito C. Bengzon, Jr., Philippine Hotel Owners Association, Inc. (PHOA) executive director na aarangkada ang turismo ngayong summer.


Dagdag pa niya, ilan sa mga member hotels ng PHOA sa Metro Manila ay nakabalik na sa pre-pandemic levels kung ang pag-uusapan ay occupancy at average daily revenue.


Umaasa ang dalawang grupo na tuluyang makakarecover ang turismo ng bansa ngayong taon.


☻☻☻


Umaasa rin tayo na magtutuluy-tuloy na ang ating tourism recovery.


Ang target ng Department of Tourism (DOT) para sa international tourist arrivals sa taong ito ay 4.8 million, o halos doble ng 2.65 million arrivals natin noong 2022.


Ngunit malayo pa rin ito sa 8.26 million international arrivals na naitala natin noong 2019.


Kailangang maging mas agresibo pa tayo sa pagpuno ng mga pagkukulang sa infrastructure, transportation, at iba pang salik upang mas mahikayat pa natin, hindi lang ang mga dayuhan kundi maging kapwa natin Pilipino, na bumiyahe at tuklasin ang bansa natin.


Nawa’y sa lalong madaling panahon ay maging mas malaking bahagi ng ekonomiya, at kaugnay nito, ng kabuhayan ng ating mga kababayan, ang turismo.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page