ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 21, 2025
Pinakilig na naman nina Barbie Forteza at David Licauco ang kanilang mga fans sa video kung saan pinag-usapan nila ang kanilang mga crushes.
Sabi ni Barbie, hindi siya crush ng crush niya.
Tinanong ni Barbie si David kung crush siya ng kanyang crush? Sagot ni David, “Sana!” at sagot ni Barbie, hindi sure ang ka-love team.
Nagulat ang mga fans sa sunod na linyahan ni Barbie na dahil hindi sure si David, sabi nito, “Tayo na lang kaya” at ang mabilis na sagot ni David ay “Sana.”
Treat ng BarDa ‘yun sa kanilang mga fans na matagal silang na-miss. Pero ang wish ng mga fans, sana, totohanin na ng dalawa. Maging sina Barbie at David na lang daw, tutal ay pareho naman silang single, kaya wala silang maaagrabyadong tao.
Huwag na raw nilang hintayin ang sinasabing three-month rule, na kailangang hintayin ng bagong break ang tatlong buwan bago manligaw at magpaligaw uli.
Actually, parang more than two months na after ng breakup nina Barbie at Jak Roberto, kaya malapit na ang three months.
Si David naman, mas nauna pang naging single kaysa kay Barbie, kaya puwede na siyang manligaw.
Anyway, sulit ang 2 months na hindi nakita ng mga fans sina Barbie at David dahil ilang araw silang magkasama sa Tagaytay after bumalik ang aktres from her South Korea vacation. Nag-photo shoot (pati yata TVC shoot) sina Barbie at David ng dalawa nilang bagong endorsements, kaya magkasama sila.
Nag-trending ang muling pagkikita ng BarDa at ang mga fans, nag-request ng photos ng dalawa at hindi sila binigo ng mga taong kasama ng dalawa sa Tagaytay.
Sunud-sunod ang labas ng ayuda at ang hinihintay na lang ay ang paglabas ng mga endorsements nina Barbie at David.
Ang sabi, ang isang endorsement ay para sa brand ng toothpaste at ang isa ay para sa fast food chain.
Nangako ang mga fans na susuportahan ang mga produkto na ie-endorse ng BarDa.
This Friday na raw ia-announce sa TV Patrol (TVP) ang bubuo sa mga judges ng nagbabalik na Pilipinas Got Talent (PGT). Pero, kahit wala pang announcement, marami na ang nakakaalam na sina Kathryn Bernardo, Donny Pangilinan, Mr. Freddie Garcia at Eugene Domingo ang mga ia-announce na judges ng PGT.
Ang PGT ang nagpabalik kay Eugene sa ABS-CBN at first time naman na magiging judge si Donny na tama lang para representative siya ng mga kabataan. First time ring maging judge ni Kathryn at excited na ang mga fans nito na muli siyang mapanood sa telebisyon kahit every weekend muna.
May gagawing TV series ang aktres na ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga fans nito. Nabalitang kabilang si Enrique Gil sa mga makakasama niya sa TV series, hindi pa nga lang ito kumpirmado.
Isa pang inaabangan ng mga fans ni Kathryn ay ang pagrampa niya sa Bench Body of Work Fashion Show sa March 21, 2025 sa SM Mall of Asia (MOA). Sa pubmat (publication material) pa lang, marami nang ginulat ang aktres, kaya abangers ang mga fans nito sa kanyang pagrampa.
MAY mga nanghinayang na hindi dumalo sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi sa block screening ng Mananambal na karamihan sa mga invited ay mga taga-GMA.
Magkasama kasing dumalo sina Kyline Alcantara at Kobe Paras at kung nagkataon, first time sanang magkikita ang dalawang couples.
Sina Ashley at Kyline, nagkita na sa All-Out Sundays (AOS), pero wala si Mavy at hindi rin kasama ni Kyline noon si Kobe.
Curious lang ang mga fans sa magiging eksena kung magkita ang dalawang pareha.
Samantala, sa interview kay Kyline ni Nelson Canlas, sabi nito, “No need for confirmation,” nang tanungin sa real score nila ni Kobe.
Totoo naman, for real na ang dalawa at ‘yung trip nga nila sa Los Angeles, California, hindi lang para mamasyal dahil kasama roon ang ipakilala ni Kobe si Kyline sa kanyang pamilya roon.
Ang mom, stepdad ni Kobe and his siblings on his mom's side na lang ang hindi pa nami-meet ni Kyline Alcantara at mangyayari rin ‘yun.
Commentaires