top of page
Search

Pagbalasa sa larong Hockey pinalagan sa TOPS

BULGAR

ni Gerard Peter - @Sports | July 09, 2021



Hindi matanggap ng mga dating national team members at opisyal ng Larong Hockey sa Pilipinas (LHP) na mawawala sa kanila ang pampalakasan na minahal at pinagbuhusan ng atensyon nang mapalitan ang mga ito.


Naglabas ng sama ng loob ang mga dating national athletes na sina Denizelle Ann Rasing at Marvin Lianza, higit na si dating secretary-general ng LHP na si Jing Arroyo matapos ang umano'y ginawang hakbang ng kasalukuyang nakaupo sa puwesto na si Peping Cojuangco Jr., na sila’y palitan sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.


Early this month tinanggal nila ang mga players. Sila na ang nagsakripisyo at naghirap, suddenly naglagay ng players at head coach na hindi naman certified. They put new ones,” wika ni Arroyo, kahapon ng umaga sa lingguhang TOPS Usapang Sports on Air. “Ang kinakasama ng loob namin, nag-medal sa 2019 SEAG, walang formality, at pinost lang sa facebook page. Kung sino-sino na lang ang inilagay nila, parang mga anak ng kumpare, nag-jogging lang, kinuha na as national team member at balita namin ay nakakatanggap na ng allowance,” dagdag ni Arroyo. Sinubukang hingin ng Bulgar Sports ang panig ng LHP, mula sa bagong secretary-general nitong si dating Philippine Canoe Kayak-Dragon Boat Federation head Joanne Go, ngunit tumangging magbigay ng salaysay hinggil sa isyu.


Nagwagi ng bronze medal noong 2019 SEA Games ang women’s team kasama ang 22-anyos na si Rasing. “Gusto naming makabalik, kase naghirap na kami. As a team, ang dami na naming challenges and we deserve to stay dahil malaking part na ito sa amin. Gusto naming irepresent ang bansa, which is our goal is to win more medals for the country. Mahirap bitawan ang isang sport na naging part ka ng foundation,” paliwanag ni Rasing, na minsang naglaro sa NCAA women’s volleyball sa koponan ng Aguinaldo College.


May pinasa na yung NSA nila last January pa na line up and effective na ang allowances nila last February pa which they requested,” wika ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy hinggil sa isinumiteng listahan ng LHP ng mga national team members noon pang Enero at may monthly allowance nang P10,000 sa panayam ng Bulgar Sports sa telepono.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page