ni Bong Go - @Bisyo Magserbisyo | August 13, 2021
Hindi maikakailang malaki ang epekto ng pandemyang ito sa ating lahat. Maraming aspeto ng ating buhay ang sadyang naistorbo dahil sa laban natin sa COVID-19.
Bawat araw, bawat oras, bawat minuto, at bawat piso ay mahalaga dahil habulan itong laban na ito. Huwag dapat mawala ang focus natin sa tunay na kalaban — ang COVID-19, kasama na riyan ang hirap at gutom na dala nito.
Magandang pangitain ang dahan-dahang pagbangon ng ating ekonomiya. Ang ating Gross Domestic Product ay tumaas nang 11.8% sa ikalawang quarter ng taong ito. Patunay ito na habang nilalabanan natin ang pandemya, nagsisikap din tayong balansehin ang pag-angat ng ekonomiya.
Gayunman, huwag muna tayong magkumpiyansa dahil mahaba pa ang laban at delikado pa rin ang panahon. Patuloy tayong sumunod sa mga patakaran at doblehin natin ang pag-iingat.
Suportahan natin ang vaccination program at magtiwala tayo sa bakuna dahil ito ang susi upang makabalik tayo sa normal na pamumuhay. Sa ngayon, nakapagturok na tayo ng humigit-kumulang sa 26 milyong doses ng bakuna sa iba’t ibang sulok ng bansa.
Kapag mas marami nang bakunado sa ating komunidad at bumaba na ang bilang ng kaso ng COVID-19, maaari na luwagan ang mga restrictions at muling makapagbubukas ang ibang industriya. Darami na ulit ang trabaho at muling lalago ang kabuhayan ng mga Pilipino. 'Yan ang gusto nating marating ngayong taon.
Habang nilalabanan natin ang COVID-19, tulungan din natin ang ating mga kababayan na labanan ang hirap at gutom. Siguraduhin nating walang maiiwan sa ating muling pagbangon. Kaya bilisan agad dapat ang pamamahagi ng ayuda dahil kailangan ito ng mahihirap.
Para sa manggagawang Pilipino, alam nating mahirap ang panahon ngayon, pero kailangan nating magtulungan. Buo ang aming dedikasyon para maprotektahan kayo dahil kayo rin ay isa sa mga frontliners na patuloy na nagseserbisyo sa inyong mga komunidad.
Kaya patuloy rin ang ating pagtulong sa mga nangangailangang kababayan. Nitong nakaraang mga araw, nagbigay tayo ng dagdag-suporta sa 500 na nasalanta ng bagyo sa Mallig, Isabela; 4,894 flood victims sa Kabasalan, at 1,386 flood victims sa Imelda, Zamboanga Sibugay; at 248 storm surge victims sa Loay, Bohol.
Tinulungan din natin ang mga vulnerable groups at essential workers tulad ng 395 beneficiaries sa Panglao, 300 sa Dauis, 248 sa Baclayon, 562 sa Loboc, at 682 sa Danao sa probinsiya ng Bohol.
Sa Cagayan Valley, tumulong tayo sa 40 indigents sa Tuguegarao City at sa mga daan-daang indigents naman mula sa Isabela na binubuo ng 318 sa Tumauini, 185 sa Ilagan City, 200 sa Cordon, 181 sa Santiago City, 138 sa Ramon, 142 sa San Mateo, 70 sa Cabatuan, 57 sa Luna, 59 sa Aurora, at 96 sa San Manuel.
Tinugunan din natin ang pangangailangan ng mga 180 economic frontliners sa San Pablo, at 300 economic frontliners din sa San Miguel, Zamboanga del Sur; 600 informal workers sa Lapinig at Laoang, Northern Samar; 986 religious leaders ng Malolos, Bulacan; 2,500 miyembro ng Bantay Bayan at fishpond workers sa Macabebe, Pampanga; 1,234 Motorela drivers sa Valencia, Bukidnon; at humigit-kumulang sa 10,000 multi-sectoral members naman sa Iloilo City.
Bumisita rin ang aking team sa Leyte upang tulungan ang 1,165 vendors sa Julita, 800 vendors sa Babatngon, 3,000 market vendors at TODA members sa Dagami, 1,500 market vendors at TODA Members sa Tabontabon, tig-512 out-of-school youth sa Alang-alang at sa Tolosa, at 1,760 public transport workers sa Dulag.
Walang tigil ang ating pag-aabot ng tulong. Sa ating pagseserbisyo sa mga nangangailangan, nais nating mabigyan kayo ng pag-asa at mapag-iwan ng ngiti sa oras ng inyong pagdadalamhati. Dagdag ito sa serbisyong walang tigil na ipinapamahagi ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa paraang ligtas at organisado upang maiwasan ang pagkalat, lalo na ng sakit.
Umaapela tayo sa lahat na magtiwala at suportahan ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno.
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BISYO MAGSERBISYO ni Bong Go, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa bisyo.magserbisyoo@gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran.
Commentaires