top of page
Search

Pagbagsak ng paninigarilyo sa Japan, ehemplo para sa Pilipinas

BULGAR

ni Chit Luna @Brand Zone | April 18, 2023



Isang ehemplo para sa Pilipinas at ibang bansa sa Asya ang Japan na nakaranas ng malawakang pagbagsak ng paninigarilyo matapos ipakilala ang heated tobacco products sa merkado.


Ayon kay Dr. David Khayat, isang propesor ng Oncology sa Pierre at Marie Curie University at pinuno ng Medical Oncology sa La Pitie-Salpetriere Hospital sa Paris, ang malaking pagbagsak ng paninigarilyo sa Japan ay dahil sa pagkakaroon ng heated tobacco sa merkado.


Ang heated tobacco ay nagsisilbing pamalit sa tradisyonal na sigarilyo at nagdudulot ng lubhang mas maliit na pinsala sa katawan, aniya.


Sinabi naman ni Dr. Peter Harper, chairman ng Toulouse Cancer Centre sa France at consultant medical oncologist sa Guy’s and St. Thomas Hospital sa London na ang mga kasalukuyang pinapatupad na pamamaraan ng pagtigil sa paninigarilyo tulad ng “quitting cold turkey”, nicotine replacement therapy at iba’t ibang prescription drugs ay hindi epektibo para sa karamihan ng mga naninigarilyo.


Paliwanag ni Dr. Harper, ang pagkakasunog ng tabako sa init na higit sa 350 degrees centigrade ang nakamamatay dahil sa usok na may halong mga nakapipinsalang mga kemikal na napatunayang nagdudulot ng sakit sa baga at cancer.


Sinuportahan ito ni Dr. Khayat na nagsabing ang nicotine ay hindi sanhi ng cancer, kundi ang mga carcinogen na matatagpuan sa usok ng sigariyo.


Ang heated tobacco products ay hindi nagdudulot ng usok, dahil ito ay naglalabas lamang ng aerosol. Sa halip na sunugin ang tabako, iniinit lamang ito, kung kayat walang usok o abo.


Isa sa bawat apat na Pilipino na nasa hustong edad ang patuloy na naninigarilyo, at apat na porsyento lamang sa kanila ang tumitigil sa paggamit nito bawat taon.


Samantala, ang Japan ay nakaranas ng matinding pagbaba ng smoking prevalence mula nang payagan sa merkado ang heated tobacco noong 2014. Matapos nito, humina ang benta ng sigarilyo sa Japan ng 9.5 porsyento kada taon mula 2015 hanggang 2018.


Kinumpirma ng datos ng Japanese National Health and Nutrition Survey na ang pagbaba ng paninigarilyo sa Japan ay bunsod ng pagpapakilala sa merkado ng heated tobacco. Mula 20 porsyento noong 2014, bumaba ang smoking prevalence sa Japan sa 13 porsyento noong 2019.


Pinatunayan din ng survey na karamihan o 76 porsyento ng mga gumamit ng heated tobacco noong 2019 ay hindi na bumalik sa paninigarilyo.


Ang IQOS na produkto ng Philip Morris International ang isa sa pinakaunang heated tobacco sa Japan. Ito ay pinakilala sa Nagoya sa huling bahagi ng 2014 bilang isang city-pilot site na sa kalaunan ay pinalawak unti-unti.


Kasunod ng pagpasok ng IQOS ay bumaba ang bentahan ng sigarilyo sa bawat rehiyon sa Japan mula 2015 hanggang 2016.


Pinakilala naman sa Pilipinas ang IQOS noong 2020 at ang higit na mas murang BONDS noong 2022 sa pamamagitan ng PMFTC Inc., ang lokal na kompanya na kaanib ng PMI. Binubuo ang mga produktong ito ng heated tobacco device at tobacco sticks tulad ng HEETS at BLENDS na hindi sinusunog, at sa halip ay pinaiinitan lamang upang makapaglabas ng smoke-free aerosol.


Bonds

Ang Japan ngayon ang may pinakamataas na paggamit ng heated tobacco sa buong mundo. Batay sa pananaliksik ng PMI, ang paggamit ng heated tobacco products sa Japan ay sumabay sa pagbaba ng bentahan ng mga sigarilyong. Nasakop ng heated tobacco products ang halos ikatlo ng kabuuang tobacco market ng Japan noong 2021.


Sa isang pag-aaral na inilathala sa British Medical Journal’s Tobacco Control, ang mga mananaliksik mula sa American Cancer Society ay nagsabing ang pagpapakilala ng heated tobacco sa Japan ang pinakamalapit na dahilan sa malaking pagbaba ng benta ng sigarilyo sa naturang bansa.


Ganito din ang konklusyon ng iba pang pag-aaral ng mga mananaliksik sa Medical University of South Carolina at University of Ottawa.


Samantala, isang pag-aaral ng Japan Medical Data Center ang nag-ulat ng labis na pag-unti ng kaso ng chronic obstructive pulmonary disease at ischemic heart disease sa Japan matapos ipakilala ang heated tobacco.


0 comments

Recent Posts

See All

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page