top of page
Search
BULGAR

Pagbabayad ng buwis, extended

ni Mylene Alfonso | March 28, 2023




Inanunsyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na pinayagan nito ang paghahain at pagbabayad ng annual income tax return (AITR) noong 2022 kahit saang lugar nang walang penalty para mapalawig ang kanilang serbisyo.


Ito ay kasunod ng inilabas na Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 32-2-2023 na nagpapahintulot sa taxpayers na mabayaran ang kanilang dues saan mang lugar sa mismo o bago ang Abril 17, 2023 nang walang ipinapataw na penalty para sa maling venue filing.


Ipinaliwanag ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui, Jr. na layunin nito na mabigyan ang bawat taxpayer ng panahon na makapaghain at mabayaran ang tamang buwis sa kanilang most convenient time at lugar nang walang ipinapataw na penalties.


Ayon sa BIR, kailangang gamitin ng taxpayers ang Electronic Filing and Payment System (eFPS) sakaling maghain ng kanilang annual tax returns electronically at magbayad ng kanilang taxes due sa pamamagitan ng Electronic Filing and Payment System-Authorized Agent Banks (AABs) kung saan sila naka-enroll.


Subalit maaari namang gamitin ng mga taxpayer ang eBIRForms sa paghahain ng kanilang annual ITR.


Para sa taong 2023, target ng BIR na makakolekta ang ahensiya ng P2.6 trilyong buwis


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page