top of page
Search
BULGAR

Pagbabawal sa mga bata na makapasok sa mall, hindi makabubuti sa ekonomiya — CCPI

ni Jasmin Joy Evangelista | November 18, 2021



Mayroon umanong negatibong epekto sa mga negosyo ang pagbabawal sa mga bata na bumisita sa mga mall.


Ayon kay Jose Yulo Jr., pangulo ng Chamber of Commerce of the Philippines Islands (CCPI), apektado ang consumer spending dahil dito.


Aniya, makakatulong sana sa ekonomiya ng bansa kung pinapayagan na ring makabisita sa mga malls ang mga bata dahil nahihikayat ng mga bata ang kanilang magulang na bumili ng mga bagay, pagkain, o serbisyo na nais nila.


Matatandaang mayroong 2-anyos na bata na nagpositibo sa COVID-19 matapos bumisita sa mall kung kaya’t iminungkahi ni Pangulong Duterte sa NCR mayors na gumawa ng ordinansa sa pagbabawal sa mga bata na pumasok sa mga mall.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page