top of page
Search
BULGAR

Pagbabawal sa disposable vapes, oks sa DOH

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 6, 2024




Nagpahayag ng suporta ang Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules sa panukala ni Finance Secretary Ralph Recto na ipagbawal ang mga disposable vape products sa Pilipinas.


Sinabi ng DOH na nagdudulot ang lahat ng vape products ng malaking panganib sa kalusugan, kasama na ang "e-cigarette or vaping product use-associated lung injury" (EVALI), nicotine addiction, at mga sakit na respiratory at cardiovascular.


“Disposable vapes are also made with plastic and batteries which are not easily recyclable or biodegradable. These items result in electronic waste (e-waste) that contains harmful chemicals that can seep into soil and water sources, posing risks to both the environment and public health,” dagdag ng ahensya.


Noong Martes, inihayag ni Recto ang panukala na ipagbawal ang disposable vapes sa bansa dahil hindi raw rehistrado sa Department of Trade and Industry (DTI) ang karamihan sa mga ito at hindi nagbabayad ng excise taxes.


Noong una, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na kanyang pinakiusap sa Philippine National Police (PNP) na tiyaking walang access ang mga menor-de-edad sa mga vape.


Binanggit din ni Herbosa ang kalbaryo sa pagtaas ng paggamit ng vape sa kabataan at binigyang-diin ang mga panganib sa kalusugan na dulot ng nicotine sa mga tao, sa pamamagitan man ng tabako o e-cigarette.

0 comments

Recent Posts

See All

Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page