top of page
Search
BULGAR

Pagbabasbas sa same-sex couples, aprub sa Vatican

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 19, 2023




Ipinahayag ng Vatican sa isang makasaysayang pasiya na inaprubahan ni Pope Francis ang pagbibigay ng basbas ng mga pari ng Simbahang Katoliko sa mga same-sex couple, basta't hindi ito bahagi ng karaniwang ritwal o liturhiya ng Simbahan.


Sa kaibahan mula sa pahayag noong 2021, isang Vatican doctrinal office document ang nagsasabi na ang basbas para sa mga same-sex couple ay hindi nagbibigay-katuwiran sa mga 'di normal na sitwasyon kundi naglalarawan ng malugod na pagtanggap ng Diyos.


Hindi ito dapat aniyang ikalito sa sakramento ng “heterosexual marriage”, dagdag pa nito.


Sinabi rin nito na dapat magpasya ang mga pari nang case-by-case basis at "hindi dapat hadlangan o ipagbawal ang pagiging malapit ng Simbahan sa mga tao sa bawat sitwasyon kung saan maaaring hilingin ng mga ito ang tulong ng Diyos sa pamamagitan ng simpleng basbas."


Noong Oktubre, nagpahiwatig ang Santo Papa na may opisyal na pagbabagong ginaganap bilang sagot sa mga tanong mula sa limang konserbatibong kardinal.


Inilabas ang isang walong-pahinang dokumento noong Lunes, na may pamagat na "On the Pastoral Meaning of Blessings." Pinamagatan ang isang 11-point section na “Blessings of Couples in Irregular Situations and of Couples of the Same sex.”


Ipinapahiwatig dito ang turo ng Simbahan na hindi makasalanan ang same-sex attraction, bagkus ang mga gawaing homosexual ang itinuturing na kasalanan.


Mula nang mahalal noong 2013, sinikap ni Francis na gawing mas bukas ang higit sa 1.35 bilyong miyembro ng Simbahan sa mga LGBT nang hindi binabago ang kanilang moral na doktrina.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page