top of page
Search
BULGAR

Pagbabanta ni P-Digong sa mga abusadong utility companies, scary pero dapat lang!

ni Imee Marcos - @Buking | July 31, 2020


Tapos na ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, pero hindi ito ang katapusan kundi panibagong simula para mas mapaigting ang pagkilos at pagkakaisa ng lahat para makarekober na tayo sa krisis na dulot ng pandemyang COVID-19.


Hay naku, mga besh, nakinig ba kayo sa SONA ng Pangulo? Well, sana ay na-gets n’yo ang lahat ng mga sinabi niya para naman makaahon tayo nang paunti-unti sa krisis!

Juskoday, mga frennie, ewan ko ba, bakit may ilan sa atin lalo na ‘yung mga kritiko ng Pangulo, hindi ninanamnam at sinuring mabuti ang mga bagay-bagay bago nagbitiw ng mga litanya na kesyo waley saysay ang SONA.


Heller, mga friendship, kung pamilyar kayo sa mga napakaraming plano na inisa-isa ng Pangulo, eh, ‘di knows n’yo na pang-economic recovery ang mga ‘yun na inihirit niya na ipasa na ng Kongreso. Ultimatum, malinaw ang mensahe ng Pangulo sa bansa: Magbago ngayon na o habambuhay na manindigan sa mga kamalian, magbago o tuluyan nang maglaho o mamatay! Scary, ‘di ba?!


‘Yan, eh, para sa mga oligarkiyang patuloy na namamayapag sa palpak na mga serbisyo ng mga utility companies tulad ng tubig, kuryente at telekomunikasyon. Lagot din ang mga sangkot sa korapsiyon, sindikato, kriminal at sa ilegal na droga, na sanhi para iapela niya na ibalik ang death penalty!


Isa sa mga bills na inihanay ng pangulo ay siyang itinutulak natin tulad ng pagbuo ng medical reserve corps, pagkakaroon ng FISTCS (Financial Institutions Strategic Transfer Corporations) para kumita ang gobyerno sa pagbebenta ng mga non-performing state at pribadong assets nito, pag-aalok ng pautang na walang interest sa mga MSMEs sa mga bangko ng gobyerno.


Gayundin, ang tapyas sa corporate taxes para himukin ang mas maraming foreign investments, pagtatayo ng disaster management agency at trust fund para sa mga coconut farmers.


Kaya umaapela tayo sa mga kasamahan natin sa gobyerno na magsama-sama tayo para ma-gets ang planong recovery ng pangulo. Remember we are all in this together! Ganern!

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page