ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | Pebrero 2, 2024
Dear Maestro,
Ang problema ko ay tungkol sa boyfriend ko. Nang malaman niyang buntis ako, agad niya akong iniwan.
Sa kasalukuyan, ipinanganak ko na ang aming anak. Kaya lang, mag-isa ko itong inaalagaan at itinataguyod. Apat na buwan palang akong buntis nang magpaalam siya sa akin na kukuha lang umano siya ng pera sa probinsya para raw makatulong kahit papaano sa panganganak ko, pero naisilang at nabinyagan na ang bata, hindi pa rin siya bumabalik.
Maestro, babalik pa ba ang ama ng anak ko? Ang birthday ko ay November 13, 1999 habang ang nobyo ko naman ay July 16, 1995.
Umaasa,
Irah ng Pajo, Alfonso, Cavite
Dear Irah ,
Ayon sa birth date mong 13 o 4 (ang 13 ay 1+3=4), destiny number na 7 (11+13+1999=2023/ 20+23=43/ 4+3=7), at zodiac sign na Scorpio, kayo ay sadyang compatible ng boyfriend mong bigla na lamang naglaho. Ito ay dahil ang zodiac sign niyang Cancer, ganundin ang birth date niyang 7 at destiny number na 2 (7+16+1995=2018/ 20+18=38/ 3+8=11/ 1+1=2) ay nagpapatunay na suwetung-suweto kayo para sa isa't isa.
Nangyari, dahil ang Scorpio at Cancer ay may iisang elemento na tinataglay at ito ay ang elementong water o tubig, kaya naman tugma at compatible talaga kayo.
Habang kapansin-pansin ding ang birth date mong 13 o 4 at destiny number mong 7.
Ibig sabihin, swak at sapol talaga kayong magsama at nakatakdang makabuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Ibig sabihin, malaki pa ang pag-asang muling bumalik ang ama ng anak mo at ito ay posibleng mangyari sa taon ding ito ng 2024, sa mga piling buwan ng Pebrero o Marso.
Tulad ng nasabi, umasa kang kakatok muli sa inyong pintuan ang naglaho mong boyfriend upang minsan pa, muling mabuo at tuluyan nang maging panghabambuhay ang iyong pamilya.
Comentarios