top of page
Search
BULGAR

Pagbabalik-eskuwela, ‘wag ipilit kung ‘di keri, paghandaan munang mabuti!

ni Imee Marcos - @Buking | July 10, 2020


Nakow! Papalapit na nang papalapit ang itinakdang pagbabalik-eskuwela ng Department of Education (DepEd) ngayong Agosto 24. Kaya naman pressured na talaga ang mga guro, school personnel pati na rin ang mga magulang at mga bagets na papasok dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.


Imbes na ma-flatten ang sinasabing curve ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nadadale ng virus!

Ngayon, wala pa ring malinaw at solid na plano ang DepEd lalo pa’t talagang kakarampot lang ang enrollees. Kaya nga dapat tulungan ang mga taga-DepEd.


Maganda sigurong ikonsiderang huwag pairalin ang “one size fits all” dahil hindi nga ito akma sa panahon. Meaning, dapat nakadepende ang school opening kada lugar. Kung zero ang kaso ng COVID-19 sa isang lugar, baka puwedeng i-apply ang face-to-face learning na paiiralin pa rin ang health safety protocols habang blended learning naman sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.


Ang mga LGUs ang nakakaalam sa sitwasyon ng bawat lugar, kaya dapat tulungan nito ang kani-kanilang school board para sa sistemang gagawin bago pa tuluyang magbukas ang kalse.


And speaking of school board na binubuo ng mga konsehal, presidente ng parents-teacher association (PTA) at kinatawan mula sa non-academic personnel mula sa public school, baka puwedeng i-expand ang membership ng board at isama ang pribadong paaralan at barangay officials.


Knows naman nating matinding tinamaan ng pandemya ang mga private school at marami-rami sa kanila ang magsasara na. Isa pa, may dalawang milyong estudyante from private schools ang lilipat sa pampublikong paaralan. Kaya dapat talagang i-address ang isyung ito. Join din dapat ang mga taga-barangay dahil sila ang higit na nakakaalam sa sitwasyon ng mga paaralan sa kani-kanilang komunidad kaya malaking tulong ang kanilang insights.


Sa ganang akin naman, eh, kung hindi talaga makabuo ng maayos na plano ang DepEd sa school opening, baka mas mabuting i-postpone at paghandaan muna itong mabuti, magtulungan na ang DepEd, Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH) at Department of Information and Communications Technology (DICT) bago buksan ang mga klase. Huwag ipilit kung hindi pa puwede dahil baka lalo lang maging sanhi ng pagkakahawahan at pagdami ng infected ng virus. Agree?

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page