top of page
Search
BULGAR

Pagbabalik ensayo ng atleta sa NCR, napapanahon na

ni Gerard Arce - @Sports | November 12, 2021





Tiyak na napapanahon na umano ang pagbabalik ng national athletes sa NCR kasunod ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 upang mas matutukan ang preparasyon para sa international competitions kabilang na ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam at Hangzhou Asian Games sa 2022.


Umaasa at hinihiling ng mga pinuno at coaches ng national sports associations (NSAs), na bukod sa training bubble camp sa iba’t ibang panig ng bansa, na mas makakatipid, mataas din umano ang pressure at ekspektasyon sa national team mula nang maging impresibo sa 2019 SEAG na idinaos sa 'Pinas na umukit ng panibagong kasaysayan sa pagkuha ng ikalawang overall title sa biennial meet.


It’s high time that they’ll be back of course without violating the protocols ng IATF.


I am hoping na lahat ng atleta are vaccinated,” pahayag ni Philippine Pencak Silat Association President Princess Jacel Kiram, kahapon sa weekly TOPS Usapang Sports on Air kasama sina Pilipinas Sepaktakraw Federation Inc. chief Karen Tanchanco-Caballero at Arnis coach Richard Gialogo. “We have to understand [that] we are the record holder of the 2019 SEAG. Ayaw din naman natin na mag-slide tayo to 7th or 6th place. Iba yung pressure kaya it’s high-time na kung di man, depende sa NSA kung gusto nilang mag-bubble or not,” wika ni Tanchanco-Caballero sa forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at PAGCOR.


But as far as sports in competing the sea games, the pressure is high, dapat really mag-recall na for full training kase may periodization pa tayo, di lang basta training, it’s strategic, there’s science with it, kailangan pumasok tayo sa periodization talaga na mentally ready ang mga atleta natin,” dagdag niya.


With that po definitely gusto natin talaga na makapag-training na face-to-face kase iba talaga yung nababantayan ng coaches yung mga athletes,” saad ni coach Gialogo, na ibinahagi ang naging tagumpay sa 2021 World Online Martial Arts competitions ng humakot ang PH Arnis ng 2 gold, 1 silver at 3 bronze medals.


Sa pagbaba sa alert level 2 system, nararapat na umanong makabalik sa RMSC, Manila Philsports sa Pasig City ang ensayo ng mga atleta na kinakailangan pa ring sumunod sa mga health and safety protocols ng Inter Agency Task Force.


0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page