ni Jasmin Joy Evangelista | October 31, 2021
Pansamantalang isasara ang ilang vaccination center sa Metro Manila ngayong panahon ng Undas na sinabayan ng long weekend.
Nag-anunsiyo ang Manila Public Information Office na wala munang mass vaccination kontra COVID-19 mula Oktubre 30 hanggang November 2.
"Ito po ay bilang bahagi ng ating paggunita ng Undas 2021. Magre-resume po ang ating mass vaccination sa ating mga vaccination sites sa Miyerkoles, November 3," anila sa isang pahayag.
Sa Valenzuela City naman, isasara ang mga vaccination site mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.
Kung nakatakdang raw na magpa-second dose ay maaaring magpabakuna sa Miyerkules.
Nilimitahan naman sa Malabon ang bukas na vaccination site. Mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon binuksan ang vaccination center sa Immaculate Heart of Mary Parish sa Barangay Maysilo nitong Sabado.
Sa ngayon ay wala pang nababanggit na schedule ang iba pang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Comments