top of page
Search
BULGAR

Pagbabakuna sa edad 5-11... Pfizer EUA, hinihintay na ng FDA — DOH

ni Lolet Abania | November 12, 2021



Inaasahan ng Food and Drug Administration (FDA) na magsusumite na ang Pfizer ng kanilang aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) sa pagbabakuna kontra-COVID-19 sa edad 5 hanggang 11, ayon sa Department of Health.


Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang manufacturer na nag-a-apply ng isang EUA para sa COVID-19 vaccination ng naturang age group sa bansa.


“Ang sabi ng Food and Drug Administration, they are expecting submission already from Pfizer kasi sa US FDA naaprubahan na siya,” ani Vergeire sa isang media briefing.


“Usually daw, apparently, according to FDA, pagka nakakakuha na ng emergency use authority sa US, ang manufacturers ay agad-agad nagsu-sumite sa ibang bansa ng kanilang application,” paliwanag ni Vergeire.


Nitong Oktubre, inawtorisa na ng US FDA ang Pfizer Inc. at BioNTech SE coronavirus vaccine para sa pagbabakuna ng mga menor-de-edad na 5 hanggang 11-anyos, kung saan ito ang kauna-unahang COVID-19 shot para sa mga mas bata sa United States.

Gayunman, ayon kay Vergeire, hihintayin nila ang ebalwasyon at ang issuance ng EUA mula sa FDA.


“Lagi naman, ano, kapag tayo ay nagbabago ng age group o may idinadagdag na age group doon sa mga puwedeng bakunahan with a specific brand of vaccine, kailangan natin antayin ‘yung emergency use authority,” sabi ng opisyal.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page