top of page
Search
BULGAR

Pagbabakuna ng Sinovac, stop muna — DOH


ni Lolet Abania | June 29, 2021



Maaari lamang maipagpatuloy ang paggamit ng COVID-19 vaccine ng Sinovac sa Taguig City at iba pang mga lugar kapag ang Chinese drugmaker ay nakapagsumite na ng certificate of analysis (COA) para sa pinakabago nilang shipment na dumating sa bansa.


Paliwanag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang COA ay nagsesertipika na ang nai-deliver na vaccines ay nasa maganda at mabuting kalidad.


Ang pinakabagong shipment ng 1 milyon doses ng Sinovac vaccines ay dumating sa bansa kahapon, Lunes. “The COA coming from the manufacturer, especially for Sinovac, usually comes in later,” ani Vergeire sa briefing ngayong Martes.


“Kailangang inaantay natin ‘yan bago ma-administer o ibigay sa ating mga kababayan [ang bakuna].” Samantala, ang lokal na pamahalaan ng Taguig ay nag-anunsiyo ngayong umaga na pansamantalang suspendido ang paggamit ng Sinovac vaccines habang hinihintay ang approval ng DOH sa nasabing doses na kasalukuyang naka-store sa cold chain facility ng siyudad.


Tiniyak naman ni Vergeire sa publiko na ang Sinovac vaccine ay nananatiling epektibo sa isang indibidwal kahit pa ang dapat na second dose ay hindi natanggap ng eksaktong 28 araw matapos ang first shot.


“Ayon po sa ating vaccine expert panel, you can have your second dose about three to six months after,” sabi ng kalihim.


“Pero ‘wag ninyo namang patatagalin… In order for you to get that full protection, kailangan may second dose ka at agad-agad, ‘pag ikaw ay naka-schedule na, kunin mo na,” dagdag ni Vergeire.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page