top of page
Search
BULGAR

Pagbabakuna ng mga guro, bilisan

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 10, 2021



Ngayong ikinasa na ng Department of Education (DepEd) na magsisimula ang pilot testing ng limitadong face-to-face classes sa Nobyembre 15 ay dapat siguruhin nitong fully vaccinated na ang staff nito bago ang nasabing petsa.


Lumalabas sa huling pagdinig ng Senate Committee on Education na 30 percent pa lamang ng DepEd personnel ang bakunado.


Nauna nang sinabi ng kagawaran na kailangang bakunado ang mga guro, staff at opisyal na lalahok sa pilot testing.


☻☻☻


Kung kaya’t hinihimok natin ang kagawaran na i-target, sa lalong madaling panahon, ang 100 percent vaccination ng personnel nito.


Kinakailangang makipag-ugnayan agad sa iba pang miyembro ng IATF upang magkaroon ng access ang ating kaguruan sa mga bakuna, lalung-lalo na at frontliners din sila.


Kung ang transport at tourism industries ay ganun kasigasig na mapabakunahan ang kanilang mga manggagawa ay sana ganun din ang DepEd.

☻☻☻


Hinihimok natin ang DepEd at iba pang kagawaran na magtayo ng special vaccination program kung saan makakapagpabakuna ang ating mga guro, lalo na iyong mga nagtuturo sa mga paaralang lalahok sa pilot testing.


Ayon sa mga eksperto, maituturing lamang na fully vaccinated ang indibidwal dalawang linggo matapos niya makumpleto ang required doses ng isang vaccine brand.


Dahil sa rekisitong ito, nakapahalagang masimulan agad ang vaccination program ng mga teaching at non-teaching staff, lalo na at mabilis lamang ang mga araw.


☻☻☻


Nakasalalay sa ating mga kamay ang ikatatagumpay ng pilot testing na ito.


Nakasalalay din sa maayos na implementasyon nito ang ekonomiya at kinabukasan ng ating bansa kung kaya’t magtulungan tayo upang maging ligtas ang pagbabalik paaralan ng ating mga anak.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Yorumlar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page