ni Jasmin Joy Evangelista | January 11, 2022
Plano ng gobyerno na simulan ang pagbabakuna kontra-COVID-19 sa mga batang nasa edad 0-4 years ngayong taon, ayon kay Sec. Carlito Galvez Jr. sa taped briefing kasama si Pangulong Rodrigo Duterte na inere nitong Lunes nang gabi.
Ayon kay Galvez, plano ng gobyerno na bakunahan ang 11.11 milyong 0-4-year-olds laban sa malalang respiratory disease simula sa second quarter ng taong ito.
Samantala, ang mga batang nasa edad 5-11 ay posibleng masimulan ang pagbabakuna sa katapusan ng Enero.
“We are now making some contingencies to acquire doses that we need to include ages 0 to 4,” ani Galvez.
Layon ng gobyerno na mabakunahan ang 90 milyon indibidwal kontra-COVID-19 sa June 2022 at makapag-provide ng mahigit 72 milyon booster shots para sa matatanda.
Layon din nito na maturukan ng booster shots ang 12 milyon teenagers na 12-17 years old, dagdag pa ni Galvez.
Comments