top of page
Search
BULGAR

Pagbabakuna, bilisan pa para sa ‘herd immunity’

ni Ryan Sison - @Boses | August 24, 2021



Sa kabila ng patuloy na national vaccination program kontra COVID-19 kahit nagpatupad ng pinakamahigpit na quarantine restriction sa Metro Manila, naniniwala ang isang eksperto ng University of the Philippines (UP) - Pandemic Response Team na hindi pa maaabot ng Pilipinas ang target na ‘herd immunity’ sa katapusan ng taong 2021.


Paliwanag nito, malaking kadahilanan nito ang dumarating na suplay ng bakuna sa bansa, kaya kahit handa at sapat ang mga pasilidad at tauhan ng mga lokal na pamahalaan ay mawawalan, wa’ ‘wenta kung hindi darami ang bilang ng mga bakunang dumarating.


Kailangan umanong magtuluy-tuloy ang vaccination, lalo na sa mauunlad na lungsod upang maiwasan ang punuang pagamutan at hindi na kayanin ang pagdami ng mga pasyente.


Kung malayo pa tayo sa herd immunity, sa ngayon ay malinaw na dapat nating tutukan ang iba pang mga hakbang upang maipagpatuloy ang pagbabakuna.


Una na ang pagtiyak na may sapat na suplay ng bakuna para sa mga priority groups.

Hanggang ngayon kasi ay marami tayong kababayan na nais maturukan, pero no choice kundi matengga dahil sa kakulangan ng suplay.


Isa pa, pag-aralan kung anu-ano ang mga bakunang maaaring iturok sa mga kabataan, bagama’t hindi ito magiging madali dahil hindi pa puwede ang mga bakuna ngayon sa mga kabataan na tinatamaan din ng COVID-19.


Panawagan sa mga kinauukulan, ngayong milyun-milyong doses ng COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa, sana’y mabilis itong makarating sa mga lokal na pamahalaan para maiturok sa ating mga kababayan.


Kahit hindi natin maabot ngayong taon ang herd immunity, kung magiging tuluy-tuloy naman ang vaccination program, kakaynin din natin itong maabot, ‘ika nga, tiyaga-tiyaga lang.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page