top of page
Search

PAGASA: Maulap na kalangitan at panaka-nakang ulan sa buong bansa ngayong araw

BULGAR

ni Jasmin Joy Evangelista | January 14, 2022



Asahan ngayong araw ang maulap na kalangitan at panaka-nakang ulan, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).


Ayon sa Pagasa, makararanas ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang ilang parte ng Mindanao dahil sa shear line o tail-end ng cold front.


“Ito pong shear line ay nagdadala ng pag-ulan sa eastern section ng Mindanao,” ani Pagasa weather specialist Samuel Duran.


Makararanas din ng pag-ulan ang Caraga region, Northern Mindanao, at Davao region.


Maulap na kalangitan at pag-ulan bunsod naman ng northeast monsoon o “amihan” ang posibleng maranasan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes. 


Samantala, ang Metro Manila at Visayas at Luzon ay makararanas ng generally fair weather condition na may maulap na kalangitan ag isolated light rains dala ng northeast monsoon.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page