ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | February 23, 2022
Sa harap ng paunti-unting panunumbalik sa new normal ngayong may pandemya, unang quarter pa lang taon ay inuulan na tayo ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. Hay, grabe!
Hindi pa nga tayo nakakabangon sa pandemya, nasa ika-walo na ang oil price hike! Sa ganang atin, hindi keri ng fuel subsidy para sa mga tsuper, magsasaka at mangingisda ang pagsirit ng presyo ng krudo sa world market, na malamang ay lalo pang sisipa dahil sa nakaambang giyera ng Ukraine at Russia. Santisima!
Limitado lang kasi ang mga fuel subsidy na inilaan sa 2022 national budget. Tanong pa nga natin d'yan, hanggang kailan tatagal ang fuel subsidy? Keri ba hanggang sa mga susunod pang oil price increase?
Sa pinakahuling report, umabot na sa $90 dollars kada bariles ang presyo ng krudo sa world market at posible pa raw sumipa ng lampas 100 dollars! Que horror! Paano na lang tayo niyan, lalo na ang mahihirap nating mga kababayan?
Sa pagtaas ng presyo ng gasolina mula noong New Year, aba, kung tutuusin, katumbas na ng halos dalawang kilo ng bigas ang halaga niyan bawat litro noh!
Habang hinihintay ng mga tsuper ang fuel subsidy, iniisnab pa rin ang kanilang hirit na pagtaas ng singil sa pasahe. Eh, angal nga ng mga driver, 'di ba, ang kita nila napupunta na lang sa panggasolina?! Mabahaging Diyos, paano na?! Kaya no wonder, magsasagawa na sila ng tigil-pasada!
Hindi talaga natin makokontrol ang presyuhan sa langis sa world market. Pero bilang chairman ng Senate committee on economic affairs, pangmatagalang IMEEsolusyon ang lakihan ang reserbang langis ng bansa at susuportahan natin 'yan sa Senado.
Nanghihinayang tayo noong 2020 nang humina ang benta ng langis sa world market pero hindi natin sinamantala na mura ang presyo. Kasagsagan 'yun ng mga lockdown at paralisado ang galaw ng lahat ng tao at pagnenegosyo.
Habang may oras pa, dalian na ang pag-compute sa kailangang reserbang langis ng Pilipinas at pagplanuhan na ang pag-angkat. 'Ika nga, "huli man at magaling, maihahabol din". Agree?!
Chain reaction ng pagsirit ng presyo ng langis ang pagtaas ng pamasahe at mga bilihin.
Sa gitna niyan, IMEEsolusyon ang ilang mga tipid tips. Una, matutong maglakad, lalo na kung malapit naman sa paroroonan, 'wag nang sumakay o kaya mag-bike na lang.
Sa gasul, eh, bili na lang ng lutuang de-uling na puwede ring pang-kahoy na pamalit natin para hindi agad maubos ang gasul. Sa bilihin, magtanim ng mga halamang malimit gamitin sa kusina, tulad ng kamatis, sibuyas, bawang, basil, pandan kalamansi at iba pang masustansiyang gulay, tulad ng malunggay.
Kung may pwesto sa inyong bahay, mag-alaga na rin ng manok, may libre ka pang itlog!
Baka may maibenta pa, 'di bah! Itodo na natin lahat ng pagkukuripot at pagtitipid! Sa susunod, bilang kuripot na senadorang Ilokana, aba, eh, may tips tayo sa mga katipiran, abangan!
Comments