ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 8, 2021
Posibleng kasuhan ng murder ang mga indibidwal na kahit alam nilang positibo sila sa COVID-19 ay papasyal-pasyal pa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.
Sa isang taped message ni Chief Legal Counsel Salvador Panelo na iniere sa speech ni P-Duterte, iminungkahi niya na kasuhan ang mga pasaway sa COVID-19 protocols.
Aniya, “Meron pong puwedeng ihain laban doon sa mga lumalabag sa mga health protocols.”
Ang mga pagsuway sa awtoridad ay maaaring panagutin.
Saad pa ni Panelo, “Kung ito pong tao na ‘to, despite the fact na alam niya na nga ang ipinagbabawal, eh, ganu’n pa rin ang gagawin niya, puwede po siyang idemanda ng pag-resist o hindi pagsunod sa mga persons in authority o ru’n sa mga agents ng mga persons of authority while in the performance of their duty.”
Dagdag pa niya, “Kung alam n’yo na ngang meron kayong sakit na Coronavirus at hindi ninyo ini-report ito, eh, talagang lalabagin ninyo ang Republic Act 11332. Eh, ganu’n din po ‘yung mga taong dapat na nakakaalam at hindi rin po ini-report, aba’y, papasok din po ‘yun sa batas na RA 11332.
“Alam po ba ninyo na sa ating batas, ‘pag po ‘yung… halimbawa, ‘yung isang tao, alam niya na meron siyang sakit na Coronavirus, alam niya, pumunta po siya sa isang lugar na merong mga pagpupulong at ‘yung kanyang sakit ay nailipat at nakahawa sa isang tao o ilang tao, at ito ay namatay, aba, ibang usapan na ‘yun.
“Kung hindi niya alam na may sakit siya, baka nahawa lang siya, ‘yun kung namatay ay papasok lamang ‘yun sa homicide. Kung ito naman ay maselan na sugat o injury, maging reckless imprudence resulting to serious physical injury or depende nga kung hindi naman serious.
"Pero kung alam niya po, pumunta siya sa isang lugar, alam niyang may sakit siya ng Coronavirus at nakahawa siya at namatay, ‘yan po ay talagang sadyang pagpatay na. Papasok po ‘yan sa murder sapagkat intentional. Alam mo na ngang makakahawa ka, alam mo na ‘pag may nahawahan ka lalo na ‘yung mga may comorbidities, eh, talagang sadyang may pagpatay.”
Sinang-ayunan ni P-Duterte si Panelo at aniya, “For as long as the people do not honor the protocols, kung ayaw nilang sumunod, ayaw nilang maniwala, walang katapusan ang COVID.”
Aniya, kahit marami na ang nabakunahan laban sa COVID-19, marami pa rin ang mga naiwan at hindi pa bakunado.
Hirit pa ng pangulo, “‘Yan ang problema sa mga tao na hindi nakakaintindi… nakakaintindi pero ayaw sumunod and ‘yung sinabi mong murder, although medyo malayo masyado sa isip ng tao ‘yan, but it is possible.
“If he knows that he is sick with COVID-19 and he goes about nonchalant, papasyal-pasyal ka lang diyan, you are maybe, if it is intentional, malayo ‘yan pero it could be murder, sabi nga ni Sal.
“At kung hindi, iyang reckless imprudence would really mas swak doon sa sitwasyon na ‘yon.”
Comments