top of page
Search
BULGAR

Pag-unlad ng 'Pinas, bumagal

ni Angela Fernando @Business News | Nov. 7, 2024



Photo: FP / TG


Umunlad ng 5.2% ang ekonomiya ng 'Pinas sa ikatlong quarter ng taon, mas mabagal kumpara sa naitalang 6.4% paglago nu'ng nakaraang quarter, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.


Ang mabagal na pag-usad ng Gross Domestic Product (GDP) ay dulot ng mga pagkaantala sa iba’t ibang sektor dahil sa mga kalamidad na dumaan sa bansa.


Ibig sabihin, ang growth rate na ito ay mas mababa rin sa target ng pamahalaan na 6 hanggang 7% para sa 2024, at ito ang pinakamababang naitalang pag-unlad mula sa 4.3% nu'ng ikalawang quarter ng nakaraang taon (2023).


Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, kailangan pang umangat ang ekonomiya ng 6.5% o higit pa sa huling quarter ng taon upang maabot ang target na paglago ng administrasyong Marcos.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page