top of page
Search
BULGAR

Pag-renew ng lisensya ng registered nutritionist-dietitian, kada 3 taon

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 17, 2024


Dear Chief Acosta,


Isang Registered Nutritionist-Dietitian (RND) ang aking kapatid. Pinagkalooban siya ng sertipiko at lisensya bilang isang RND noong Hunyo 2020. Hindi niya matandaan ang saktong araw ng pagkakaloob ng sertipiko at lisensya sapagkat nawawala ang kanyang ID.  Nararapat bang asikasuhin na niya ang renewal ng kanyang sertipiko o lisensya? Salamat sa inyo. -- Peter


Dear Peter,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 20 ng Republic Act No. 10862, o mas kilala sa tawag na “Nutrition and Dietetics Law of 2016,” na nagsasaad na:


“Section 20. Issuance of Certificate of Registration and Professional Identification Card. - A certificate of registration shall be issued to those who have passed the licensure examination, subject to compliance with the registration requirements and payment of fees, as prescribed by the Commission. It shall bear the signature of the Chairperson of the Commission and the Chairperson and members of the Board, indicating that the person named therein is entitled to the practice of the profession with all the privileges appurtenant thereto. Until withdrawn, revoked, or suspended in accordance with this Act, the certificate registration shall remain in full force and effect.


A professional identification card, bearing the registration number and date, its validity and expiry duly signed by the Chairperson of the Commission, shall likewise be issued to every registrant who has paid the prescribed fee. It shall be renewed every three (3) years upon payment of the prescribed fees therefor and compliance with the CPD requirement.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang certificate of registration ay ipinagkakaloob sa mga pumasa ng licensure exam upang maging isang Registered Nutritionist-Dietitian (RND).  Maliban dito, nagbibigay rin ng isang professional identification card kung saan nakalahad ang numero ng pagkakarehistro, araw ng pagiging epektibo nito, at araw ng kawalan ng bisa nito.  Ang nasabing ID ay pirmado ng chairperson ng Professional Regulation Commission (PRC) at nararapat na i-renew kada tatlong taon, sa pamamagitan ng pagbabayad ng mga karampatang fees at pagsunod sa iba pang requirements ng continuing professional development.


Sa iyong nabanggit na sitwasyon, mayroon lamang tatlong taon, magmula noong Hunyo 2020, ang iyong kapatid upang asikasuhin ang pagre-renew ng sertipiko o lisensya niya bilang isang RND. Nais din naming ipaalam sa iyo na kung ang isang tao ay lumabag sa nasabing batas, siya ay maaaring mapatawan ng parusang pagbabayad ng multa o pagkakakulong, o parehong pagbabayad ng multa at kulong, base sa Seksyon 39 ng Republic Act No. 10862.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page