top of page
Search
BULGAR

‘Pag patuloy tumaas sa global market... P86.72 sa gasolina, P81.10 sa diesel at P80.50 sa kerosene

ni Lolet Abania | March 14, 2022



Posibleng pumalo ng hanggang P86.72 kada litro ang presyo ng gasolina habang P81.10 kada litro sa diesel kapag patuloy ang pagtaas ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, ayon sa Department of Energy (DOE).


“This is not just a problem of the executive department. This is a problem of course that will be a problem of all sectors in the government. We have a framework where we have the objective of fair pricing, but still we are unable to do that,” paliwanag ni DOE Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. sa hearing ng Senate Committee on Energy ngayong Lunes hinggil sa epektong dulot ng krisis sa Russia at Ukraine sa suplay at presyo ng langis sa Pilipinas.


Umabot na sa 10 sunud-sunod na linggo ang pagtaas ng presyo ng krudo sa bansa, habang may nakaamba pang bigtime oil price hike sa Martes.


Una nang nagbigay ng forecast ang Unioil Petroleum Philippines nitong weekend, na ang presyo ng kanilang produktong petrolyo mula Marso 15 hanggang 21 ay posibleng tumaas ng P12.20-P12.30 kada litro sa diesel, at P6.80-P7.00 kada litro sa gasolina.


Ayon sa DOE, itinakda na ang Dubai crude price ay nasa $80 kada barrel lamang bilang pamantayan sa panahon ng krisis, pero ang presyo ng langis ay umabot na sa $120.34 kada barrel hanggang nitong Marso 14, 2022.


Babala ni Erguiza, kapag patuloy ang pagtaas ng krudo sa global market at umabot ang Dubai crude oil sa $140 kada barrel, posibleng pumalo ang presyo ng gasolina ng P86.72 kada litro, P81.10 kada litro sa diesel, at P80.50 kada litro sa kerosene sa mga lokal na pamilihan.


“The DOE has been strictly monitoring the sufficiency of supply, the quality of what’s being sold in the market… We want to assure the public that our supply is sufficient and what is really the problem is the cost of fuel,” giit ni Erguiza.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page