top of page
Search
BULGAR

'Pag napatunayan daw guilty sa war on drugs…Duterte kay Trillanes: Kung makulong, eh di makulong

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 17, 2020




Handang makulong si Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling mapatunayan ng International Criminal Court's Office of the Prosecutor na may kriminalidad na naganap sa kanyang ipinatupad na war on drugs.


Pahayag ng pangulo, "Ba't mo ako takutin na magpreso? If it's my destiny magpreso ako, then magpreso ako. Kung may ginawa kami, sige. Kung makulong, eh, di makulong.”


Ito'y kaugnay ng naging pahayag ni former Senator Antonio Trillanes sa Twitter na, “Statement re: latest ICC report: “The time for reckoning is near for Mr. Duterte, his cohorts and enablers. They have to answer for the thousands of Filipino lives killed during his brutal war on drugs.


“Duterte may try to ignore the jurisdiction of ICC over him, but deep inside he knows that he cannot get away from this one. Having profiled Duterte, I am sure nanginginig na 'yan sa takot.”


Buwelta naman ni P-Duterte kay Trillanes, “Trillanes, alam mo, ‘pag nakita ko ‘yung pangalan mo, nakikita ko tae ng aso. Everytime I look at you, you’re shit of a dog.”


Aniya pa, “Tapos, sabi niya, tuturo rito, drug lord dito, drug lord doon. Pati ‘yung anak ko na maliit, dalagita. Ano’ng nangyari? Wala, ni isa. May napakulong ka ba, Trillanes? Sino, sino napakulong mo? Nandiyan pa rin sila.


“Ako, wala akong ipinakulong pero wala na sila. Ikaw, daldal, nandiyan pa sila. Ako, nagdadaldal, tapos wala na sila. Ewan ko kung saan pumunta ang mga p—ng inang ‘yan.”


Panawagan din ng pangulo sa publiko, “‘Wag kayong maniwala riyan sa opposition.

Walang ginawa ‘yan, gusto lang ‘yan bumalik kasi kung maaari lang ibigay ko na lang para hindi na sisirain ang Pilipino, hindi na tayo masira. Ibigay ko na lang.


“Tama ang sabi ni Bong [Go], 'If you want to appear white, you paint the other person black.' Pinturahan mo ng itim at ika’y puputi… ‘yan ang ginagawa nila. Pinipinturahan kami ng itim para bumango sila, maputi sila.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page