top of page
Search

‘Pag may Warrant of arrest na rin, Sen. Bato, magiging kakosa sa ICC jail si ex-P-Duterte

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 17, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

BAKA LAHAT NG MANOK NI PBBM SA SENATORIAL ELECTION MATALO DAHIL SA PAG-APRUB NG MARCOS ADMIN NA DAKPIN SA ‘PINAS AT IKULONG SI EX-P-DUTERTE SA NETHERLANDS -- Inamin ng ilang "manok" ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na kabado sila na mag-boomerang sa kanilang kandidatura ang pagpayag ng Marcos administration na dakpin ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si ex-P-Duterte at i-turnover ito sa Interpol na nagdulot kaya nakulong sa International Criminal Court (ICC) jail sa The Hague, Netherlands ang dating pangulo.


May dahilan naman talaga sila na kabahan kasi sa rami ng mga Duterte Diehard Supporters (DDS) na nagalit sa pag-aprub ng Marcos admin na dakpin sa ‘Pinas at ikulong sa The Netherlands si ex-P-Duterte ay baka talo abutin nila sa senatorial election, period!


XXX


KAPAG MAY WARRANT OF ARREST NA SI SEN. DELA ROSA, MAGIGING MAGKAKOSA NA SILA NI EX-P-DUTERTE SA ICC JAIL -- Sinabi ni former Senate President Franklin Drilon na malabong mabigyan  ng proteksyon ng Senado si Sen. Ronald Dela Rosa kapag may warrant of arrest na ito mula sa International Criminal Court (ICC) kasi hindi daw minor offense ang kinakaharap nitong case kundi mabigat na kasong crimes against humanity.


Dahil diyan, asahan nang kapag naglabas ng warrant of arrest ang ICC laban kay Sen. Dela Rosa ay magiging magkakosa na sila ni ex-P-Duterte sa ICC Jail, abangan!


XXX


NASISIRA ANG PAMILYA DUTERTE SA KAPI-FAKE NEWS NG DDS VLOGGERS -- Isa sa nakakasira sa pamilya Duterte ay ang mga Duterte Diehard Supporters (DDS) fake news vloggers.


Ipinakalat kasi nila sa social media na hindi raw pinayagan ng mga otoridad sa Amerika si First Lady Liza Araneta-Marcos dahil iniimbestigahan daw ito sa isang kaso sa United States, at ang mga follower ng mga DDS vloggers ay naniwala naman sa fake news na ito.


Nasabi nating fake news kasi nasa Pilipinas na si FL Liza at patunay ang pagdalo niya sa “Go Negosyo Women Summit” sa Paranaque City nitong nakalipas lang na Marso 15, 2025.


Dapat nang tantanan ng mga DDS vloggers ang pagpapakalat ng fake news kasi sa totoo lang, nagbu-boomerang ito sa pamilya Duterte, ang pamilya Duterte ang pinagdududahan ng publiko na nasa likod ng mga fake news na ikinakalat sa social media laban sa mag-asawang Pres. Bongbong Marcos (PBBM) at FL Liza, period!


XXX


SA BAGONG DESISYON NG SC, BAKA DUMAMI ANG MAMBUGBOG NG KAPWA DAHIL ANG PARUSA SA SLIGHT PHYSICAL INJURY, COMMUNITY SERVICE NA LANG -- Nagpalabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) na ang magiging parusa sa taong may kasong slight physical injury ay community service na lang at wala ng kulong.


Naku, eh baka dahil sa desisyong iyan ng SC ay dumami ang mambubugbog ng kapwa kasi nga wala nang kulong ang kasong ito, community service na lang, boom!

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page