top of page

Pag-imbentaryo ng mga nakalap na ilegal na droga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 8
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Apr. 8, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Maaari bang gawing dahilan ang pagiging “Muslim na lugar” upang hindi agarang maimbentaryo ang ebidensya? Nagkaroon kasi ng buy-bust operation sa lugar ng mga pinsan ko at ang balita ko ay nasangkot ang isa naming kaanak. Hindi namin siya kukunsintihin kung totoong may kinalaman siya sa ilegal na droga ngunit ang sabi ng ilang nakasaksi ay nadawit lamang diumano ang aming kaanak. Hindi rin diumano agad inimbentaryo ang mga nasabat na droga. Nakadalawang lipat pa diumano sa ibang mga barangay bago nakapag-imbentaryo dahil “Muslim na lugar” diumano ang barangay kung saan naganap ang operasyon, pati na ang kabilang barangay na unang pinagdalhan sa kaanak namin. Maaari bang patagalin ang pag-iimbentaryo sa dahilan na iyon? Sana ay malinawan ninyo ako. — Rodel


 

Dear Rodel,


Mababanaag sa Section 21 ng Republic Act (R.A.) No. 9165, o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, na naamyendahan ng R.A. No. 10640, ang mga panuntunan na dapat sundin kaugnay sa pamamahala ng kustodiya at kontrol ng mga nakalap na ebidensya kaugnay ng mga aktibidad at transaksyon na mayroong kinalaman sa ilegal na droga. Ayon sa batas:


“SEC. 21. Custody and Disposition of Confiscated, Seized, and/or Surrendered Dangerous Drugs, Plant Sources of Dangerous Drugs, Controlled Precursors and Essential Chemicals, Instruments/Paraphernalia and/or Laboratory Equipment.– x x x


(1)The apprehending team having initial custody and control of the dangerous drugs, controlled precursors and essential chemicals, instruments/paraphernalia and/or laboratory equipment shall, immediately after seizure and confiscation, conduct a physical inventory of the seized items and photograph the same in the presence of the accused or the person/s from whom such items were confiscated and/or seized, or his/her representative or counsel, with an elected public official and a representative of the National Prosecution Service or the media who shall be required to sign the copies of the inventory and be given a copy thereof: Provided, That the physical inventory and photograph shall be conducted at the place where the search warrant is served; or at the nearest police station or at the nearest office of the apprehending officer/team, whichever is practicable, in case of warrantless seizures: Provided, finally, That noncompliance of these requirements under justifiable grounds, as long as the integrity and the evidentiary value of the seized items are properly preserved by the apprehending officer/team, shall not render void and invalid such seizures and custody over said items.” 


Malinaw na nakasaad sa nasabing probisyon na ang pangkalahatan na alituntunin ay kinakailangan na agarang mamarkahan at maimbentaryo ang mga nakalap na ilegal na droga at iba pang ebidensya na mayroong kaugnayan dito matapos na makuha at makumpiska ang mga ito ng umarestong opisyal. Bagaman maaaring lumihis sa panuntunan ang umarestong opisyal, tulad ng pag-antala sa pagmamarka at pag-iimbentaryo o gawin sa ibang lugar ang naturang pagmamarka at pag-iimbentaryo, subalit dapat ay makapagbigay siya ng makatwirang dahilan ukol dito.


Sa sitwasyon na iyong nabanggit, maaaring mayroong pagkukulang ang mga opisyal na nagsagawa ng nasabing buy-bust operation kung sadyang hindi nila agarang inimbentaryo ang mga nakalap na ebidensya at hindi sila nakapagbigay ng sapat na makatwirang dahilan sa nasabing pagkukulang. Sa isang kaso na dinesisyunan ng ating Korte Suprema, kanilang ipinaliwanag, sa panulat ni Kagalang-galang na Senior Associate Justice Marvic M.V.F Leonen, na ang pagdadahilan na “Muslim na lugar” ang pinangyarihan ng operasyon ay hindi sapat upang hindi tupdin ang mga panuntunang nakasaad sa Section 21 ng R.A. No. 9165:


“In the recent case of People v. Sebilleno, this Court denounced the prosecution's reasoning that the target area was a ‘notorious Muslim community’ to justify noncompliance with Section 21.  We stressed that such invocation constitutes a bigoted view that only stirs conflict among Filipinos of different religious affiliations.


To sustain the police officers’ equating of a so-called ‘Muslim area’ with dangerous places does not only approve of a hollow justification for deviating from statutory requirements, but reinforces outdated stereotypes and blatant prejudices.


Islamophobia, the hatred against the Islamic community, can never be a valid reason to justify an officer's failure to comply with Section 21 of Republic Act No. 9165. Courts must be wary of readily sanctioning lackadaisical justifications and perpetuating outmoded biases. No form of religious discrimination can be countenanced to justify the prosecution's failure to comply with the law.” (People of the Philippines vs. Samiah S. Abdulah, G.R. No. 243941, March 11, 2020)


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page