ni Fely Ng @Bulgarific | Nov 14, 2024
HELLO, Bulgarians! Sa pakikipag-ugnayan ng Presidential Communications Office (PCO), lumahok ang Pag-IBIG Fund sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ng Philippine Information Agency (PIA) noong 12 Nobyembre 2024.
Kasunod ng isang makasaysayang milestone noong Agosto, ang Pag-IBIG Fund ay lumampas sa PHP 1 trillion mark in total asset, ang organisasyon ay nagpatuloy sa malakas na paglago nito. Sa ikatlong quarter, ang Pag-IBIG Fund ay patuloy naman na lumalaki na may higit sa 16.37 milyong aktibong miyembro, na sama-samang nakaipon ng P98.72 bilyon -- P49.27 bilyon na nakolekta mula sa mandatoryong Regular Savings program at P48.86 bilyon na nakolekta sa ilalim ng voluntary MP2 savings.
Mula Enero hanggang Setyembre 2024, nakatulong ang Pag-IBIG Fund sa mahigit 2.5 milyong miyembro na nangangailangan ng agarang short-term cash financing, na nag-apruba sa mga aplikasyon ng Multi-Purpose Loan ng higit sa dalawang milyong borrower na nagkakahalaga ng kabuuang P49.72 bilyon, 16% na pagtaas sa parehong bilang ng mga nanghihiram at kabuuang halaga ng pautang kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Natulungan din ang halos 461,000 biktima ng iba’t ibang kalamidad ngayong taon sa pagpapalabas ng P5.92 bilyon sa Pag-IBIG Calamity Loan. Ang mga aplikasyon at pagproseso para sa Short-Term Loan ay walang bayad. Hindi rin ibinabawas ang mga advanced payments or interests sa mga pautang.
Bukod sa calamity loan, inaprubahan din ng Pag-IBIG Fund ang pagpapatupad ng isang buwang moratorium para sa pagbabayad ng housing loan ng mga apektadong borrowers na naninirahan at nagtatrabaho sa mga lugar na idineklara sa ilalim ng state of calamity dahil sa Bagyong Kristine. Ang isang buwang housing loan payment moratorium ay nagpapahintulot sa mga biktima ng kalamidad na unahin ang pananalapi upang matulungan silang makabangon mula sa epekto ng bagyo. Maaaring mag-apply ang mga kuwalipikadong miyembro para sa availment ng programang moratorium hanggang Disyembre 31, 2024, sa pamamagitan man ng Virtual Pag-IBIG o sa pinakamalapit na sangay ng Pag-IBIG.
“Our accomplishments this year underscore our dedication to serving the financial needs of Filipinos across the country. Participating in the PIA’s Kapihan sa Bagong Pilipinas serves as a good opportunity for us to directly engage with our members and inform them how Pag-IBIG Fund is working towards a stronger financial institution. After all, our members are the true owners of the Fund. It is just proper that they know how their savings are used and how effectively managing Pag-IBIG’s finances will result to their benefit through dividends and returns on their savings,” pahayag ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene C. Acosta.
Ang paglahok ng Pag-IBIG Fund sa Kapihan sa Bagong Pilipinas ay bahagi ng pangako nito sa transparency and stakeholder engagement, na naglalayong panatilihing batid ng mga miyembro at partner ang epekto ng mga operasyon nito sa mga manggagawa, employer, at negosyo sa bawat rehiyon.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments