top of page
Search

Pag-IBIG Fund, magbibigay ng 6 months grace period sa pagbabayad ng loan

BULGAR

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | October 20, 2020




Hello, Bulgarians! May magandang balita sa atin ang Pag-IBIG Fund, dahil mas pinahaba na sa 6 na buwan ang pagbabayad ng mga loan, abot-kayang amortization at pagpapa-waive ng penalty sa ilalim ng special restructuring program nito para sa lahat ng home loan borrowers.


Ayon kay Secretary Eduardo D. del Rosario na siya ring Chairman ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees at head ng Department of Human Settlements and Urban Development na nag-o-offer ang ahensiya sa ilalim ng Special Housing Loan Restructuring Program upang lalong matulungan at mapagaan ang pagbabayad ng mga loan ng mga miyembro sa panahon ng pandemya.


Sa ilalim ng programang ito, matutulungan ang mga housing loan borrower na pababain ang kanilang monthly payment sa pamamagitan ng pagpapalawig pa ng kanilang loan term, hati-hatiin ang hindi pa nabayarang loan at i-waive ang penalty.


Aniya, “We are also giving them the option to resume payment of their restructured loans by as late as March 2021. This gives them up to six months of payment relief.


Ibinahagi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na maaaring mag-apply ang mga miyembro sa online para sa mas mabilis at ligtas na pagpoproseso. Hindi rin umano ito maniningil ng down payment o processing fee sa kanilang application.


Kaya naman para sa mga miymbrong gustong magpasa ng aplikasyon, maaaring bisitahin ang kanilang website sa www.pagibigfundservices.com/virtualpagibig/HLR/Restructuring.aspx. Tatanggap ng mga aplikasyon ang ahensiya hanggang Disyembre 15, 2020.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page