ni Fely Ng @Bulgarific | Feb. 2, 2025
Hello, Bulgarians! Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang “Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo,” isang inisyatiba na naglalayong hikayatin ang mas maraming overseas Filipino workers (OFWs), self-employed na indibidwal, online sellers at informal sector workers na magparehistro bilang miyembro at makaipon kasama ng Pag-IBIG Fund.
Tatakbo hanggang Nob. 30, 2025, ang promo ay nagbibigay ng reward sa mga aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund na matagumpay na nagparehistro mula sa mga sektor na ito, na nagbibigay-daan sa mga programa at serbisyo upang makinabang ang mas maraming Pilipino.
Sinabi ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), namumuno sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, na ang mga OFW at mga manggagawa ng impormal na sektor ay lalong uma-access sa mga handog ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng raffle initiative.
“Through the 1 Plus 1 Raffle Promo, we are able to reach more Filipino workers and provide them with avenues to save for their future and obtain affordable homes, especially under our Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program,” pahayag ni Acuzar. “This is in line with the directive of President Ferdinand Marcos Jr. to ensure that every Filipino, regardless of location or financial capacity, has a fair opportunity to own a home and secure a stable future,” aniya.
Sa ilalim ng 1 Plus 1 Raffle Promo, ang mga aktibong miyembro ng Pag-IBIG na nakaipon sa kanilang Pag-IBIG Regular Savings sa loob ng huling tatlong buwan ay tinutukoy bilang “PagIBIGfluencers” na maaaring mag-imbita ng kahit isang OFW o informal sector worker para maging bagong miyembro o muling i-activate ang Pag-IBIG membership (the“Plus 1”). Parehong makakakuha ang PagIBIGfluencer at ang Plus 1 ng eligibility para sa savings at housing loan programs ng ahensya, kung saan ang bawat kalahok ay may pagkakataong manalo ng hanggang P500,000 sa grand draw.
Pinasimulan ng Pag-IBIG Fund ang programa upang higit na makinabang ang mga OFW, self-employed, at mga hindi gaanong naseserbisyuhan na bahagi ng manggagawa na, hindi tulad ng mga empleyado sa pribado at gobyerno, walang mga employer na magpaparehistro sa kanila. Ang sektor na ito ay hinahayaang magpatala ng sarili sa mga social security institutions.
Sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta na higit sa 7,000 ang mga bago at reactivating na miyembro ang sumali na sa promo sa unang buwan nito, na nagpapataas ng membership at savings collection ng ahensya.
“The Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo is more than just an incentive program – it is our way of recognizing and rewarding the trust and support of our members,” sabi ni Acosta. “Through this initiative, we reaffirm our commitment to making Pag-IBIG benefits more accessible to more Filipinos, while promoting the habit of regular saving. With Pag-IBIG, we continue to help Filipino workers turn their aspirations for financial stability and homeownership into reality.”
Ang mga interesadong sumali sa Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo ay maaaring mag-sign up sa https://www.pagibigfundservices.com/1plus1/.
Para sa karagdagang updates, ang opisyal na Pag-IBIG Fund Facebook page at ang Pag-IBIG Fund website ay nagbibigay ng pinakabagong balita.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments