top of page
Search
BULGAR

Pag-aresto nang walang warrant

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 21, 2023


Dear Chief Acosta,


Inaresto ng mga pulis ang kuya ko nang walang warrant of arrest na ipinakita. Tama ba iyon? - Gordon


Dear Gordon,


Nakasaad sa ating Saligang Batas na walang pag-aresto na maaaring gawin nang walang wastong warrant of arrest mula sa huwes. Itinatadhana ng Seksyon 2 ng Artikulo III nito na:


“SECTION 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized.”


Gayunpaman, may mga exceptions ito. Ibig sabihin, may mga pagkakataon na maaaring maisagawa ang pag-aresto kahit walang warrant. Ayon sa Revised Rules of Criminal Procedure, ang pulis o isang pribadong tao ay maaaring arestuhin ang isang tao nang walang warrant kung:


  1. Sa kanyang harapan, ang taong aarestuhin ay nakagawa, aktuwal na gumagawa, o nagtatangkang gumawa ng krimen;

  2. Ang krimen ay kagagawa lamang at siya ay may probable cause upang maniwala batay sa personal na kaalaman sa mga katotohanan o mga pangyayari na ang taong aarestuhin ang gumawa nito; at

  3. Ang taong aarestuhin ay tumakas sa kulungan.


Kaugnay nito, pinasyahan ng ating Korte Suprema sa kasong People of the Philippines vs. Jamal Rangaig y Ampuan, et al. (G.R. No. 240447, 28 April 2021), sa panulat ni Honorable Associate Justice Marvic F. Leonen, ang mga sumusunod: 


“This constitutional provision prevents violations of privacy and security in person and property, and protects against “unlawful invasion of the sanctity of the home, by officers of the law acting under legislative or judicial sanction, and to give remedy against such usurpations when attempted.” Thus, in conducting an arrest or search and seizure, there must be a warrant hinged on probable cause or the “actual belief or reasonable grounds of suspicion to believe that the accused has committed, or is committing a crime.” The suspicion must be “supported by circumstances sufficiently strong in themselves to warrant a cautious man to believe that the person accused is guilty of the offense with which he is charged.” Any evidence resulting from a violation of a person’s right against unreasonable searches and seizures will be deemed inadmissible in court.”

 

Sang-ayon dito, sa pagsasagawa ng pag-aresto, kailangang mayroong warrant na nakabatay sa probable cause o ang aktuwal na paniniwala o makatwirang batayan ng hinala upang maniwala na ang akusado ay nakagawa o gumagawa ng isang krimen.


Ang hinala ay dapat suportado ng mga sapat na pangyayari na magbibigay ng katwiran sa isang maingat na tao na maniwala na ang taong akusado ay nakagawa ng krimen.


Kung kaya, kung wala sa nabanggit na exceptions, ang pag-aresto ay ilegal at ang anumang ebidensyang nakuha mula rito ay hindi puwedeng gamitin sa korte.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page