top of page
Search
BULGAR

Pag-aralang maigi kung paano isasagawa ang Sovereign Wealth Fund

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 9, 2022


Tinatalakay ngayon sa House of Representatives ang paglikha ng P275-billion sovereign wealth fund, na mabubuo mula sa iba't ibang pondo na mula sa Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at national budget.


Dagdag pa rito, na siyang pinagmumulan ng pagtutol mula sa iba't ibang sektor ay ang paglikom ng pondo mula sa Government Service Insurance System (P125 bilyon) at Social Security System (P50 bilyon).


☻☻☻


Kailangang pag-aralan muna natin nang maigi kung paano ba isasagawa ang sovereign wealth fund.


Kailangan natin ng mas maraming komprehensibo at malinaw na talakayan tungkol dito, lalo na sa usapin ng pagkuha ng pondo mula GSIS at SSS dahil pera natin lahat 'yan. Retirement fund ng sambayanan 'yan, eh.


Bilang myembro ng SSS at GSIS, tulad ng karamihan sa mga manggagawa’t empleyado sa bansa ay inaasahan nating magagamit natin ang contribution sa panahon na magreretiro na tayo.


Mahalagang malaman kung ano ang magiging epekto ng wealth fund sa perang ipinundar natin nang matagal, na isinantabi para makapamuhay pa rin tayo kahit wala nang trabaho.


☻☻☻


Ano ba ang opinyon ng academe, ng mga expert at ng mga kababayan nating maapektuhan nito?


Mahalagang magkaroon ng direktang konsultasyon sa lahat ng stakeholder para sa ganitong panukala na may malawakang epekto sa lipunan.


Sana'y hindi tayo magpadalus-dalos sa usaping ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page