ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 10, 2021
Nagbitiw sa puwesto ang dalawang miyembro ng US Food and Drug Administration (FDA) advisory panel bilang protesta matapos aprubahan ng ahensiya ang gamot ng Biogen Inc's Aduhelm laban sa Alzheimer's disease sa kabila ng pagtutol ng komite.
Kabilang si Mayo Clinic Neurologist Dr. David Knopman sa panel member na nagbitiw sa puwesto noong Miyerkules.
Aniya, "I was very disappointed at how the advisory committee input was treated by the FDA.
"I don't wish to be put in a position like this again.”
Ang panel na binubuo ng 11 miyembro ay bumoto “nearly unanimously” noong Nobyembre laban sa gamot ng Biogen dahil wala umanong katiyakan na epektibo ito laban sa naturang sakit.
Noong Lunes, pinagkalooban ng "accelerated approval” ng FDA ang nasabing gamot dahil umano sa ebidensiyang nababawasan nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease.
Noong Martes naman nagbitiw sa puwesto si Washington University Neurologist Dr. Joel Perlmutter na tumutol sa pag-apruba ng FDA sa nasabing gamot.
Коментарі