top of page
Search
BULGAR

Pag-angkas ng bata sa motorsiklo, bawal

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney Marso 23, 2024


Dear Chief Acosta,


Habang nagmamaneho ng kotse sa EDSA, nakakita ako ng dalawang bata (na nasa apat hanggang limang taong gulang) na nakaangkas sa motorsiklo kasama ang tila kanilang mga magulang, at walang suot na helmet ang mga bata. Delikado ang sumakay sa motorsiklo. Hindi ba ito ipinagbabawal? -- Hermione


Dear Hermione,


Ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 10666, o mas kilala bilang “Children’s Safety on Motorcycles Act of 2015,” kung saan nakasaad ang mga sumusunod:


Section 4. Prohibition. – It shall be unlawful for any person to drive a two (2)-wheeled motorcycle with a child on board on public roads where there is heavy volume of vehicles, there is a high density of fast moving vehicles or where a speed limit of more than 60/kph is imposed, unless:


(a) The child passenger can comfortably reach his/her feet on the standard foot peg of the motorcycle;


(b) The child’s arms can reach around and grasp the waist of the motorcycle rider; and


(c) The child is wearing a standard protective helmet referred to under Republic Act No. 10054, otherwise known the ‘Motorcycle Helmet Act of 2009.’


Section 5. Exception. – Notwithstanding the prohibition provided in the preceding section, this Act shall not apply to cases where the child to be transported requires immediate medical attention.


Section 6. Penalties. – Any person who operates a motorcycle in violation of Section 4 of this Act shall be fined with an amount of three thousand pesos (P3,000.00) for the first offense; five thousand pesos (P5,000.00) for the second offense; and ten thousand pesos (P10,000.00) for the third and succeeding offenses.


Moreover, for the third offense, the driver’s license of the offender shall be suspended for a period of one (1) month.


Violation of these provisions beyond the third time shall result to automatic revocation of the offender’s driver’s license.”


Ayon sa nabanggit na Seksyon 4, labag sa batas para sa sinumang tao na magmaneho ng motorsiklo na may sakay na bata, sa mga pampublikong kalsada (kung saan may mabigat na bulto ng mga sasakyan, may mataas na densidad ng mabilis na gumagalaw na mga sasakyan o kung saan ang limitasyon ng bilis ay higit sa 60/kph ang ipinataw), maliban kung: (a) maginhawang maabot ng batang pasahero ang kanyang mga paa sa karaniwang foot peg ng motorsiklo; (b) ang mga braso ng bata ay maaaring umabot at humawak sa baywang ng rider ng motorsiklo; at (c) ang bata ay nakasuot ng karaniwang helmet pangproteksyon.


Alinsunod dito, ang nagmamaneho ng motorsiklong nakita mo ay lumabag sa nasabing batas nang magpatakbo ito ng motorsiklo na may nakasakay na mga bata nang walang suot na helmet. Kung gayon, ang nagmamaneho ay maaaring mapatawan ng multa, at maaari ring masuspinde o mapawalang-bisa ang kanyang lisensya (depende kung ilang beses na itong lumabag sa nasabing batas).


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page