top of page
Search
BULGAR

Pag-aari ng gobyerno kesa nakatiwangwang.. Mga bakanteng lupa, ipamimigay

ni Mylene Alfonso | March 28, 2023




Pinag-aaralan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mga paraan kung paano gamitin ang idle government land o bakanteng lupa, para sa mga proyektong pabahay, batay sa mga umiiral na batas.


Ito ang sinabi ng Pangulo sa groundbreaking ng Disiplina Village sa Arkong Bato Park sa Valenzuela City.


Nais din ng Pangulo na tiyakin na ang mga residenteng uupa sa mga housing unit na iyon ay dapat magkaroon ng sapat na pagkakataon para sa pagkukunan ng kabuhayan gamit ang kanilang mga talento at kakayahan.


“Mahalagang makipagtulungan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor upang maisakatuparan ang ating mga kolektibong hangarin,” ani Pangulong Marcos.


Ang Disiplina Villages ay mga kumpletong komunidad na nagbibigay sa mga residente ng access sa mga paaralan, health center at mga serbisyo ng gobyerno sa pamamagitan ng annex ng city hall.


Ang pamahalaan ng Valenzuela City at ang mga benepisyaryo ng Disiplina Villages ay pumasok sa isang Home Space Agreement, na naglalayong itanim ang disiplina sa mga residente sa pagpapanatili ng kanilang mga tahanan at komunidad.


Ang ikaapat na Disiplina Village ay itatayo sa isang 2.07-ektaryang lupain sa Bgy. Arkong Bato, Valenzuela City, kung saan may kabuuang 20 limang palapag na gusali para sa 1,200 informal settler families (ISFs), na nakatira sa tabi ng Tullahan River at Manila Bay, ay itatayo bilang suporta sa Build Better More Housing Program ng administrasyon.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page