ni Lolet Abania | November 3, 2021
Nagpahayag ng suporta si Quezon City Joy Belmonte hinggil sa pagpapatigil ng pagsusuot ng face shield, kung saan isa sa requirements pa rin ito sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa isang interview ngayong Miyerkules, sumang-ayon si Belmonte sa desisyon ng ibang local government units (LGUs) na ang pagsusuot ng face shields ay gawin na lamang optional. “I believe that it is the right thing to do,” ani Belmonte.
“It doesn't actually work for the purpose it should serve. It is just there for the compliance. If that is the case, we might as well do away with it and just stress wearing facing face masks,” dagdag ng mayor.
Batay sa kanilang city ordinance, sinabi ni Belmonte na nire-require lamang ng QC government ang pagsusuot ng face shields sa mga closed spaces.
Kahapon, ayon sa Malacañang, ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force ang pabor sa pagpapatigil ng mandatory use ng face shield kapag nasa labas dahil na rin anila sa pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Gayunman, giit ni Presidential spokesperson Harry Roque na wala pang pinal na desisyon IATF kung ang face shield ay tuluyang aalisin.
コメント