ni Mylene Alfonso | June 19, 2023

Nakaligtas sa kapahamakan ang tinatayang nasa 65 na pasahero ng isang pampasaherong barko matapos masunog sa karagatan kahapon ng umaga malapit sa Tagbiliran Port.
Batay sa report ng Philippine Coast Guard, umusok at nag-apoy umano ang barkong M/V Esperanza Star pasado alas-3 ng madaling-araw.
Padaong na umano ang barko sa Tagbiliran port nang sumiklab ang apoy at agad namang nakaresponde ang PCG pati na ang emergency responders ng Bohol
government.
Ayon kay Bohol Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Chief Anthony Damalerio, nailigtas ang lahat ng pasahero at tripulante ng barko.
Kasama rin umanong sumaklolo sa nasunog na barko ang mga bangkang pangisda na nagbayanihan para maisalba ang mga pasahero, pati na ang dumaang barko ng Trans Asia.
Ang M/V Esperanza Star ay may rutang Iligan City, Siquijor, Cebu City at Bohol.
Iniimbestigahan pa ng ang sanhi ng sunog
Comments