top of page
Search
BULGAR

Pacquiao, noon inaatake si PBBM, ngayon todo-puri na, ‘anyare?

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Oct. 9, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez

DOH MISMO ANG NAGSABI, HIGIT 15M PASYENTENG PINOY NASERBISYUHAN NG MALASAKIT CENTER KAYA’T PATUNAY ‘YAN NA ANG BATAS NI SEN. BONG GO MAMAMAYAN ANG NAKIKINABANG -- Sa public hearing ng Senate Committee on Health and Demography nitong nakalipas na Oct. 2, 2024 ay mismong ang Dept. of Health (DOH) ang nagsabi na mahigit 15 milyong Pinoy na naging pasyente ng mga public hospital ang natulungan sa free hospitalization ng Malasakit Center Act ni Sen. Bong Go.


Patunay iyan na ang batas ni Sen. Bong Go na Malasakit Center Act ay epektibong nakapagbibigay ng serbisyo sa sambayanang Pilipino.


Kaya’t sana suklian naman ng mga botanteng Pinoy ang naipagkaloob niyang serbisyo sa mamamayan, lalo na sa mga mahihirap na kababayan, at ito ay ang iluklok siya (SBG) bilang number 1 senador dahil sa batas niyang Malasakit Center, number 1 ang taumbayan sa nakikinabang, period!


XXX


NOONG MAGKALABAN SILA SA PULITIKA INAATAKE NI PACQUIAO SI PBBM, PERO NGAYONG KAKAMPI NA TODO-PURI NA SA PRESIDENTE -- Noong kumandidato si former Sen. Manny Pacquiao sa pagka-presidente year 2022, sa interview sa kanya ni TV host Boy Abunda noong January 2022 ay tinanong siya kung bakit hindi dapat iboto ang frontrunner na presidential candidate noon na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at ang tugon ni Pacquiao ay may bahid daw ng corruption ang Marcos.


Pero ngayong kasama na siya sa 2025 senatorial lineup ng Marcos administration, tila nalimutan na ni Pacman ang atake niya noon kay Pangulong Marcos kasi iba na ang kanyang sinasabi na kesyo wala raw corruption sa panahon ni PBBM, boom! 


XXX


AKALA NG MGA BOTANTENG PINOY ‘KAMAG-ANAK INC.’ SA PULITIKA ANG MAG-AAHON SA KANILA SA KAHIRAPAN, MALI PALA -- Sa mga nagdaang halalan ay nagluklok na rin ang majority na mga botanteng Pinoy ng mga magkakapamilyang pulitiko, sa pag-aakala na ang “Kamag-anak Inc.” na mga politician ang magbibigay ginhawa sa kanilang pamumuhay. Pero kalaunan ay ang magkakapamilyang politicians ang yumaman nang yumaman, at ang mamamayang nagluklok sa political dynasty ay patuloy ang paghihirap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page