top of page
Search
BULGAR

Pacquiao-Mcgregor fight posibleng mangyari sa 2021

ni Gerard Peter - @Sports | November 26, 2020




Makapaghihintay naman umano ang pagtatagpong inaabangan ng karamihan – ang salpukan ng nag-iisang eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao at UFC two-division titlist Conor “The Notorious” McGregor sa darating na taon – ngunit kinakailangan munang harapin ng Irish bad-boy si lightweight contender Dustin Poirier sa UFC 257 sa Enero 23 sa Fight Island sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates.


Naniniwala si Paradigm Sports Management Audie Attar na parehong kagustuhan nina Pacquiao (62-7-2, 39KOs) at McGregor (0-1 boxing; 22-4 MMA) ang magtapat sa ibabaw ng ring. Alam na alam umano ito Attar dahil parehong kliyente niya ang dalawang fighters.


He’s gonna be handling business against Dustin first, but Conor’s come out and said he wants to fight Manny. Manny’s come out and said he wants to fight Conor. As I’ve stated publicly before, we’ve had conversations,” wika ni Attar sa panayam sa kanya ng Bloomberg. “That is a fight that we’re definitely going to make because both fighters want it, and there seems to be interest from the fans all around the world.”


Haharapin muna ng 32-anyos mula Crumlin, Dublin, Ireland ang dating interim UFC lightweight titlist para sa kanilang rematch na kanyang unang beses na tinalo noong Setyembre 27, 2014 sa UFC 178 sa pamamagitan ng 1st round TKO.


Minsan nang lumaban si McGregor sa isang boxing match laban kay Floyd “Money” Mayweather noong Agosto 26, 2017 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada, kung saan tinalo siya ng 43-anyos na undefeated-retired boxer sa bisa ng 10th round TKO. Nagresulta ito sa malaking kita na itinalaga bilang ikalawang pinakamataas na pay-per-view sa kasaysayan kasunod ng salpukang Mayweather-Pacquiao fight noong Mayo 2015.


Huling beses natagpuan sa isang laban si McGregor noong Enero 18, 2020 sa 40-second knockout victory kay Donald “Cowboy” Cerrone sa UFC 246, sabay inanunsiyo ang kanyang muling pagreretiro nitong Hunyo 6 sa kanyang social media account.


Sa panig naman ni Pacquiao, huling beses itong lumaban kay Keith “One Time” para kunin ang World Boxing Association (WBA) welterweight title sa isang ‘split decision’ noon Hulyo 18, 2019 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page