top of page
Search

Pacquiao, ipinagtanggol vs. Duterte... TITO SEN: TOTOO NAMANG MAY KORUPSIYON SA GOBYERNO

BULGAR

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 02, 2021




Tila nakakuha ng kakampi ang boxing champ na si Sen. Manny Pacquiao sa katauhan ng kapwa niya senador na si Tito Sotto kaugnay ng “iringan” nila ni Presidente Rodrigo Duterte.


Sinabi kasi ni Sen. Pacquiao na tatlong beses na mas korup ang kasalukuyang administrasyon.


Hinamon naman siya ni P-Digong na ituro ang mga tanggapan at mga tao sa gobyerno na tinutukoy na korup ni Sen. Pacquiao.


At ngayon nga, nasali na rin si Sen. Tito sa iringan nina Sen. Manny at P-Digong.

Tweet ni Sen. Tito, “Bakit ba sila nagagalit kay Manny 'pag sinasabing may corruption sa govt.? Bakit, wala ba?”


Dahil sa pahayag na ‘yan ni Sen. Tito, wait natin kung ano ang magiging reaksiyon ni P-Digong.


And speaking of P-Digong, kung sa dalawang senador ay tungkol sa korupsiyon ang isyu, mas naaliw kami sa panukala ng isa pang senador na si Leila de Lima para naman sa nababalitang pagtakbo ng ating pangulo bilang bise-presidente sa parating na eleksiyon.


"Why not enter showbiz na lang... We still get the comedy, but this time without the bloodbath. Everybody wins,” sabi ni Sen. De Lima.


Kaya lang daw iboboto kung sakali ng mga Pilipino si P-Digong as VP next election ay “for his entertainment value.”


“Filipinos are very fond of comedians," ayon pa kay Sen. De Lima.


Tinawag pa ni Sen. De Lima na “clown” si P-Digong.


Kapag pinasok ni P-Digong ang showbiz, baka ma-insecure ang mga sikat nating komedyante.


Hmmm... Ano kaya ang say nina Vic Sotto, Michael V., Ogie Alcasid at Vice Ganda tungkol dito?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page