ni Angela Fernando - Trainee @News | February 19, 2024
Ibinasura ng International Olympic Committee (IOC) ang hirit ng Filipino boxing champion na si Manny Pacquiao na makasali ng 2024 Paris Olympics.
Natanggap ng Philippine Olympic Committee (POC) ang sulat mula sa IOC kung saan nakasaad na lagpas na sa age regulation na 40 ang edad ng boksingero.
Ayon kay POC president Abraham “Bambol” Tolentino, hindi na qualified ang 45-anyos na dating senador sa Olympics.
Ikinonsulta ang hirit ng POC sa mga national olympic committees maging sa boxing federation ngunit matigas ang mga ito sa naging desisyon, saad sa sulat ni IOC Director for National Olympic Committee Relations James Macleod.
Hindi rin makakalahok si Pacquiao sa Olympic gamit ang University rule para sa mga national athletes na 'di lusot sa torneo.
Comments