top of page
Search

PACO, KUMANTANG NAGKARGADOR SA AMERIKA 'WAG LANG MAPAHIYA SA 'PINAS

BULGAR

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 27, 2020




Sa isang live interview ng BULGAR sa musician/song writer ng Introvoys na si Paco Arespacochaga, maraming rebelasyon ang naganap.

Inamin ni Paco na wala siyang pakialam noon sa mga overseas Filipino workers (OFWs) pero nabago ang lahat nang umalis siya sa ‘Pinas taong 2001.

Aniya, pumunta siya sa America matapos alukin ng isang sikat na record label. Ngunit pagdating du’n ay nagkaproblema dahil wala siyang US Social Security number at hindi siya citizen sa naturang bansa.

Aniya, "Sabi Ko, ‘Patay tayo dito.’ Ang iniisip ko na agad, hindi ako puwedeng umuwi, mapapahiya ako.' Kasi in-announce na nga sa Pilipinas na magtatrabaho ako sa sikat na record label dito sa America."

July 4, kinausap siya ng pinsan niya at ipinasok siya sa isang trabaho. Aniya, kahit pagkakargador ng mga beauty products sa isang warehouse ay pinasok niya ‘wag lang siyang umuwi sa ‘Pinas.

July 5 nang interview-hin siya ng warehouse manager na Pinoy at taga-Cebu.

Aniya, nu’ng araw na ‘yun ay gumawa siya ng pader ng karton ng mga bulak at iniyak niya lahat.

Sey pa ni Paco, "Talagang sabi ko kung ano ang pride ang meron ako ngayon... Kung sinoman si Paco, papatayin ko na ngayon. Game na ‘to. Heto na ‘to."

After niyang umiyak, du’n niya nalamang narinig siya ng mga Pinoy sa warehouse.

Sabi raw sa kanya ng amo niya, "O tapos ka na? Naiyak mo na?' sabi ko, ‘Opo, boss. Naiyak ko na,' sabi niya sige magtrabaho ka na. Lahat tayo dumaan sa ganyan. Kaya mo yan.'”

Dagdag pa ni Paco, "You know what, it was a big humble fight to swallow. Pero I had no regrets swallowing it because it made me appreciate all the hard work of every Filipinos worldwide and I gained friends and nalaman ko ‘yung mga istorya nila."

Aniya, "God was good enough to really hit me on the head and actually make me realize na 'Welcome to the world, tao ka lang. Maaaring sa Pilipinas you have all these entitlement, now I want you to understand the meaning of privilege where respect is earned.'

"'Di ba sa Pilipinas, 'Respetuhin mo ako!' Dito hindi. You earn your respect."

Aniya, simula nu’n, kapag umuuwi siya dito sa ‘Pinas, natutuwa ang mga kasambahay niya dahil parang day off daw nila.

Kuwento pa ni Paco, 18 months siyang nagtrabaho sa warehouse. Nagsimula bilang kargador at na-promote bilang inventory manager. Dumating sa punto na kinausap niya ang kanyang boss at sinabi niyang magku-quit na siya sa trabaho. Nagkaroon sila ng kasunduan na after 3 months, kung hindi magiging maganda ang performance niya ay makakaalis na siya pero kung okay ay bibigyan siya nito ng isang cubicle upang mag-sales.

Aniya, "By the grace of God, I became the number 2 salesman. Bakit number 2? Kasi ‘yung number 1 salesman, bilingual. Marunong mag-Spanish. Eh, ako hirap ang Spanish ko, eh."


Sina Ms. Louie Reyes at Ms. Arnel Patricia Dulay ang tumulong sa kanya upang tuluyang makabangon muli. Si Louie ang tumulong sa kanya upang makakuha ng Green card.

Dahil okay na ang papel niya at may Green card na siya, tuluyan siyang nag-quit sa warehouse at humanap ng ibang trabaho pero sa bagong journey ay napatunayan daw niyang “The grass is not greener on the other side.”

Sa bago niyang trabaho, kahero siya sa loob ng 5 oras, tagakolekta ng mga pushcarts sa parking lot for 1 hour, tagalinis ng banyo for 30 mins. to 1 hr..

Kuwento ni Paco, "May 2 Pilipinong nakapansin sa name tag ko tapos umihi sila sa sahig.


"Tapos sabi nila, 'Oh Brod, linisin mo ‘yan ha kundi ire-report ka namin.'"

Sa ngayon daw ay nagtatrabaho siya sa isang ambulance company kung saan nagkakilala sila ng kanyang misis na nurse at aniya ay magwawalong taon na sila together sa January. Ikinasal sila 5 years ago.

Aniya, "Right now I work in the health care industry. I do marketing for an ambulance company."

Kuwento rin ni Paco ay nagpaka-hands on dad siya sa anak nilang babae, ang bunso at du’n niya napagdesisyunan na ‘wag na itong sundan.

Aniya, "Kaya nga dati, anak lang ako ng anak dahil ‘di ko naman nararamdaman na mahirap pala (mag-alaga)."

Nang natanong naman kung may balak ba siyang bumalik sa showbiz, aniya, "I really don't mind. Actually I do have a podcast, ‘no. Ang pangalan ng podcast sa YouTube is Paco’s Place."

Dito raw ay may show din siya at kasama ang buong Introvoys at nakakapag-tour din daw sila.


Nagge-guest pa rin si Paco sa mga shows dito sa ‘Pinas katulad ng ASAP natin ‘to ng GMA Network.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page