ni MC / Gerard Peter - @Sports | January 26, 2021
Malungkot na inamin ni MMA superstar Conor McGregor na hindi na umano siya umaasa na matutuloy pa ang ikinakasang laban sa pagitan nila ni 8 division world champion Manny Pacquiao.
Lumabo ang inaasahang salpukan nila sa ring ni Pacquiao matapos hiyain ni Dustin Poirier si McGregor nang talunin ito via knockout sa 2nd round ng kanilang bakbakan sa UFC 257 sa Abu Dhabi noong Linggo. Sinabi ni McGregor, kahit may posibilidad pa ring matuloy ang kanilang laban, pero malabo na umano itong mangyari ngayong taon. "I wanted to focus on the MMA career but I'm also..Let's just see what happens. That Manny fight was happening. It was a good as done. Now I don't know," ani McGregor.
Ayon sa Irish fighter, nais umano niyang magpokus muna sa kanyang MMA career at magpapagaling umano siya siya sa knee injury na natamo nito sa laban. "I don't know. It's all muscle and deep into the muscle, it's a dead leg. But it is what it is. Fair play. I should've pressed him in the fence and kept pounding on him," wika ni McGregor. "Maybe, I'll switch up my game when me and Dustin face again. I have to go through the disciplines and make the good decisions."
Sinabi naman ni Paradigm Sports president Audie Attar na siguradong hindi na papatok ang laban nina Pacquiao at McGregor dahil sa naging pagkatalo ng Irish fighter.
Samantala, isiniwalat ni US fighter Ryan Garcia na natupad na ang kanyang pangarap na makalaban si Filipino legend Manny "Pacman" Pacquiao.
Nag-post ang 22-anyos sa kanyang Instagram ng poster para sa inaasam na laban nila ni Pacman. "A dream turned reality," ani Garcia na may pro-record na 21-0 win-loss at kasalukuyang interim WBC lightweight champion. "It's an honor to share the ring with Manny Pacquiao. I will always respect what you did in and out of the ring. Here's to the best man winning," dagdag nito.
Wala naman itong detalyeng inilabas kaugnay sa sinasabi nitong laban. May ipinagmamalaking maraming social media followers, una nang sinabi ni Garcia na pangarap nitong makasagupa si Pacman.
Hindi pa lumalaban si Pacman mula noong Hulyo 2019 matapos ang split decision win nito kontra kay American boxer Keith Thurman sa welterweight championship. Medyo nawalan ng gana si Pacman na labanan si McGregor nang matalo via 2nd round knockout kay Dustin Poirier.
Comments