top of page
Search
BULGAR

Pacman, malabo na ang laban ngayong 2020

ni Gerard Arce - @Sports | August 30, 2020



Hindi na umano lalaban pa sa kabuuan ng taon si eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao dahil sa patuloy na pagtutok nito sa kanyang seryosong trabaho sa Senado.


Inihayag ni Hall of Fame boxing trainer Freddie Roach na maaring magbalik boxing ring ang fighting Senator anumang panahon sa 2021, ngunit wala pang kasiguruhan kung kailan nito maidedepensa ang kanyang World Boxing Association (WBA) [Super] welterweight title na kanyang nakuha noon pang Hulyo 20, 2019 laban kay Keith ‘One Time” Thurman mula sa isang split decision victory.


He won’t fight this year,” pahayag ni Roach sa panayam ni Keith Idec ng BoxingScene.com. “But if this ever goes away – and I’m not sure it will because it’s getting worse and worse, not better and better – but I think Manny will fight once or twice more before he becomes the president of his country. And then he will retire.”


Mahigit sa isang taon ng hindi sumasabak sa boksing ang Fighting Senator buhat ng makuha nito ang 147-lbs na titulo kay Thurman sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. Dahil sa panalong nakuha ay maraming nagtangkang masusugid na manliligaw si Pacman para makadaupang-kamao at masubukan ang lakas at tikas nito sa ead na 41-anyos.


Ilan sa mga sumubok maghamon ay sina Terrence “Bud” Crawford, na patuloy ang pag-anyaya rito ng boss na si Bob Arum ng Top Rank; IBF/WBC champion Errol Spence Jr. na lalaban kay Danny Garcia sa Nobyembre 21 at multiple champion na si Mikey Garcia. Gayunpaman, sinabi ni Roach na wala sa mga ito ang napipisil na susunod na makalaban ng Filipino Boxing icon na si Pacquiao (62-7-2, 39KOs).


He will fight again, I feel, and from when I’ve talked to him, he wants to fight once or twice more,” wika ni Roach. “But the thing is, it could be anywhere from the U.S. to Saudi Arabia, anywhere. They were talking about Mikey Garcia and I said, ‘Yeah, that’s the perfect fight for Manny.’ But I don’t think we’ll really know until this [pandemic] is over.”


Makailang beses na nagpahayag ang 88-anyos na boxing promoter na si Arum na itapat ang Pambansang Kamao sa bata nitong undefeated American boxer sa Nobyenbre 14, ngunit patuloy pa rin itong itinanggi ng kampo ni Pacquiao partikular n ani MP Promotions President at international matchmaker Sean Gibbons.


Tila napipisil na lamang ibangga sa Omaha, Nebraska-native na si Crawford (36-0, 27 KOs) si British boxer at dating IBF titlist Kell Brook (39-2, 27 KOs) sa naturang nabanggit na petsa.


Ang magwawagi naman sa 12-round title fight na salpukang Spence Jr at Garcia ay maaaring ibigay kay dating WBC champion Shawn ‘Showtime” Porter o kay Pacquiao sakaling maisip na nitong bumalik sa laban.


Subalit nananatiling prayoridad ni Pacquiao ang pagtulong sa pakikidigma sa coronavirus pandemic. “He told me that [the pandemic is] worse there than it is here,” saad ni Roach. “He can’t leave the house because he’s a senator, and his kids are all in the house. It’s just a bad time for maybe everybody at this point.”

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page