ni Angela Fernando @Overseas News | June 25, 2024
Isang planta ng lithium battery sa South Korea ang nasunog matapos ang sunud-sunod na pagsabog ng mga baterya nu'ng Lunes, na ikinasawi ng 22 manggagawa, karamihan sa kanila ay mga Chinese nationals.
Kinumpirma ito ng mga opisyal ng mga bumbero sa nasabing bansa na 18 manggagawang Chinese, dalawang South Korean, at isang Laotian ang kabilang sa mga nasawi.
Kumalat ang sunud-sunod na sunog at pagsabog sa battery factory na pinapatakbo ng Aricell manufacturer sa Hwaseong, na matatagpuan sa southwest ng Seoul.
Ayon sa mga opisyal, ang mga biktima ay malamang na nalason ng gas sa loob lamang ng ilang segundo matapos kumalat ang sunog. Hindi pa naman malinaw kung ano ang sanhi ng mga pagsabog at ng sunog na naapula sa loob ng 6 oras.
Comments