top of page
Search
BULGAR

Pabertdey daw niya… KRIS, MAMIMIGAY NG P5 K SA MGA FANS

Julie Bonifacio - @Winner | February 4, 2021





Humiling ng panalangin si Kris Aquino sa kanyang mga Facebook followers sa takot na matulad sa kanyang ama na si former Senator Benigno "Ninoy" Aquino na namatay sa edad na 50.


On Valentine's Day, Kris will turn 50 years old. Golden lady na si Tetay! At dahil napaka-superstitious ni Kris, ayaw niyang matulad sa kanyang ama na napatay sa edad na 50.


"Because, you know, uhm, I'm kinda superstitious na my mom (former President Cory Aquino) always used to say na ako raw ang female Ninoy (her father former Senator Benigno "Ninoy" Aquino). So, I don't know kung tadhana 'yan. Please pray for me na hindi," panawagan ni Kris during her first online birthday video yesterday.


Hindi itinanggi ni Kris na affected siya by what her mom said.


"Kakasabi ng mom ko, takot na takot (ako), na kagaya ng dad ko, 50 years old, pati ako ma-dead. So, okay? So, ang kondisyon nating lahat is you have to pray for me, ha? Na malagpasan ko ang 50 na 'to. So, that's why sabi ko, 'Okay, I'm only gonna turn 51. I want to live until I'm 51," diin ni Kris.


Exactly 10 days before her birthday, napagdesisyunan ni Kris na imbes na gumastos for party ay ise-share na lang niya ang kanyang pera. At kahit nadagdagan ang gastos niya for her birthday, okay lang.


Say nga ni Kris, "Never mind. I'll make all of you happy because you have completed my life. Actually, kung tutuusin, gagastusin ko rin naman 'yan kung pumarty-party ako, 'di ba? So, mas maganda na sa inyo na mapunta."


Sobrang natuwa kasi si Kris sa mabilis na pagdami ng comments sa kanyang first birthday video. In return, gusto rin niyang mangabog sa kanyang FB followers.


Heto ang caption sa video ni Kris na naka-post sa kanyang Facebook account: "Please watch this video... masyado n'yo kaming ginulat- kaya ginawan ko na po ng paraan... you just have to be my FB follower... you just have to use the hashtag #HappyBirthdayKris... Starting February 4, every day for 10 days, 5 of you will receive P5,000 each from me. I love you. I thank you. And I want to share my blessings with all of you, most especially now. #lovelovelove"


Sa naunang posts ni Kris sa kanyang Instagram ay lima lang dapat ang pipiliin niya na winners ng tig-P5 K.


"Napagdesisyunan ko bago ako matulog na gagawin na lang nating ganito, let's make it a ten-day celebration. Binilang ko 'yun, so starting on February 4 to 13, okay.


"So, 13 'yan, everyday, lima sa inyo ang makakatanggap ng P5,000. So, dinoble ko na. Sa Facebook, okay, fifty of you will be getting P5,000 each. Mag-a-announce ako everyday starting February 4 kung sino sa inyo ang tatanggap ng P5 K each," lahad pa ni Kris.


Pagkatapos ay binanggit ni Kris na magsisimula na raw siya ng bagong work sa Friday. At 'di pa man siya nagsisimulang mag-work, ise-share na niya agad ang kikitain sa kanyang mga Facebook followers.


Katwiran ni Kris, hindi naman siya magkakaroon ng work kung wala ang kanyang mga Facebook followers.


Sabi pa niya, "Kung puwede lang bigyan ko kayong lahat, eh. Pero, heto muna sa ngayon."


Sa sumunod na video na naka-post sa FB ni Kris, ang bunsong anak niya na si Bimby ang nag-remind sa mga followers ng mama niya na mag-comment ng birthday greetings for her.


Umabot na raw sa 203K ang comments sa first birthday video ng mama niya and 182K comments sa second video.


"Na-SHOCKED talaga si Mama," banggit ni Bimby.


Pero parang naiba na naman ang number of winners ng P5 K each everyday, ayon kay Bimby. Ang narinig namin ay 10 winners everyday starting February 4.


So, from 5, naging 10 na ang mananalo ng P5K each for 10 days. Suma-total, tumataginting na P500K 'yan, ha!


Bonggang birthday gift naman ito from Kris na instead siya ang tumanggap ng regalo, siya pa ang magreregalo!

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page