ni Mai Ancheta | July 1, 2023
Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Oplan Pag-Abot para sa mga pamilya at mga batang palaboy.
Layon ng programa na tulungan ang mga pamilya at mga batang naging tahanan ang lansangan.
Ayon sa DSWD, tutulungan ang mga palaboy sa pamamagitan ng medikal, suporta sa pagkain, transportasyon at relokasyon.
Bibigyan din ang mga ito ng pagkakakitaan at iba pang serbisyo upang hindi na bumalik ang mga ito sa lansangan.
Isasailalim sa assessment ng DSWD ang mga pamilya at batang palaboy at dito ibabase kung anong tulong ang ibibigay sa mga ito.
Magiging pilot operation ang Metro Manila at 24 oras ang operasyon ng Oplan Pag-abot sa pamamagitan ng social workers ng ahensya.
Makakatulong ng DSWD sa implementasyon ang Commission on Human Rights.
Comments