top of page
Search
BULGAR

Pabagu-bagong tourism slogan, may epekto sa turismo ng bansa

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | October 2, 2022


Binabati natin ang mga kalihim at may katungkulan sa pamahalaan na kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga sa kanilang mga posisyon.

Isa na si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na ating ipinaaabot ang mainit na pagbati sa kanyang kumpirmasyon ng CA nitong nakaraang linggo.


Tulad ng ating nasabi noon, bilang Chairperson ng Senate Committee on Tourism ay nasasabik tayong magtrabaho kasama ang buong DOT family upang muling palakasin ang industriya ng turismo sa ating bansa.


Congratulations at padayon Sec. Frasco, at sa iba pang nakapasa sa CA!


☻☻☻


Noong humarap si Sec. Frasco sa confirmation hearing ng CA ay nag-suggest tayi na i-reconsider ang planong bisitahin ang tourism slogan at palitan ito.


Ayon sa kalihim, pinag-aaralan ngayon kung paano magkakaroon ng ebolusyon ang tourism slogan ng ating bansa.


☻☻☻


Posible kasing maging rason ng pagkalito ng ating potential market abroad ang pabagu-bagong tourism slogan ng bansa.


Matatandaang ilang beses na tayong nagpalit ng slogan, mula sa “Fiesta Island Philippines” noong 1989, “Wow Philippines” noong 2002, na naging “Pilipinas Kay Ganda” noong 2010, “It’s More Fun in the Philippines” (2012), “Experience the Philippines” (2016), hanggang sa kasalukuyang “It’s More Fun in the Philippines / More Fun Awaits”.


Ikumpara natin ito sa mga slogan ng ibang karatig bansa tulad ng India (“Incredible India”, 2002) at Malaysia (“Malaysia, Truly Asia”, 1999) na patuloy na ginagamit hanggang sa ngayon.


Dagdag pa rito ay ang kaakibat na gastusin upang palitan lahat ng marketing materials na gagamitin, bunsod ng pagbabago ng slogan. Partikular na rito ang gagastusin, lalo na sa ad placements abroad, na babayaran ng dolyar o iba pang foreign currency.


☻☻☻


Ayon naman sa kalihim, dadaan pa sa konsultasyon sa mga tourism stakeholders ang plano.


Ang atin pakiusap ay pag-aralang mabuti ng DOT, kasama ang mga ad at marketing agency ay ang paggawa ng pangmatagalang slogan na mananatiling relevant pa rin kahit na dumaan ang mahabang panahon.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page