top of page
Search

Pabagu-bagong panlasa at isipan...

BULGAR

dahilan kaya ‘di nagkakaroon ng pangmatagalang relasyon ang Water Horse

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | June 27, 2020


Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign ngayong taon, tatalakayin naman natin ang ugali at magiging kapalaran ng mga isinilang sa Year of the Horse ngayong Year of the Metal Rat.

Alalahaning ang Horse o Kabayo ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento. Ang iba’t ibang uri ng Kabayo base sa taglay niyang elemento ay ang mga sumusunod:

  • Metal Horse o Bakal na Kabayo - silang mga isinilang noong 1930 at 1990

  • Water Horse o Tubig na Kabayo - silang mga isinilang noong 1942 at 2002

  • Wood Horse o Kahoy na Kabayo - silang mga isinilang noong 1954 at 2014

  • Fire Horse o Apoy na Kabayo - silang mga isinilang noong 1966

  • Earth Horse o Lupa na Kabayo - silang mga isinilang noong 1978 at 1938

Noong nakaraang isyu, tinalakay natin ang magiging kapalaran ng Metal Horse at ngayon, dadako tayo sa ikalawang uri ng Horse at ito ang Water Horse o Kabayong Tubig.


Bukod sa palakaibigan, ang isa pang pangunahing katangian ng Water Horse ay ang pagkakaroon ng likas na taglay na katalinuhan, na magagamit upang lalo pa niyang mapaunlad at mapasigla ang career at pangkabuhayan. Dahil sa katalinuhang taglay ng Water Horse na biniyayaan din ng malakas na magnetismo ng kanilang pagkatao, sa anumang larangan, napakalayo ng kanilang nararating at kayang-kaya nilang mapaunlad ang kanilang kabuhayan at mapataas nang mapataas ang kanilang posisyon hanggang sa marating nila ang tuktok ng tagumpay.


Kaya ngayong 2020, kung gagamitin ng Water Horse ang ugali niyang palakaibigan, talino at likas na pang-akit, anumang krisis sa kabuhayan o career ang dumating sa kanya, tiyak na siya ay muling makababalik sa normal, masigla at maunlad na pamumuhay.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, dahil likas din ang kagandahang taglay at mapang-akit na panlabas na katangian, ang Water Horse ay maraming tagahanga kung saan ‘yung iba ay nabibisto nila, pero ang iba ay nananatiling secret admirer habambuhay.


Bagama’t malakas ang atraskyon sa opposite sex, ang problema ng Water Horse pagdating na sa relasyon at pag-ibig ay ang madaling nagpapabagu-bago ng panlasa at isipan, kaya naman nakakaipon siya ng marami, pero maiikling pakikipagrelasyon lang ito sa kung kani-kaninong nilalang. At sinasabing hangga’t nananatili ang ganu’ng ugali ng Water Horse, matatagalan pa bago siya makatagpo ng masaya at panghabambuhay na karelasyon.


Sa pangkalahatan, sa kalagitnaan 2020, siguradong gaganda nang gaganda ang career ng Water Horse at kasabay nito, marami at iba’t ibang uri rin ng pakikipagrelasyon ang maaari niyang mapasukan, na sa umpisa ay talaga namang masaya at nakakikilig, pero sa bandang huli ay may kalungkutan ding sukli.


Upang maiwasang mabigo agad sa larangan ng pag-ibig, hindi dapat magpadala sa biglaan at bugso ng damdamin. Sa halip, dapat ay timbangin munang mabuti ang sitwasyon at kilalaning mabuti ang lalaki o babaeng pag-aalayan ng pagmamahal bago tuluyang seryosohin. Sa ganu’ng paraan, dapat dahan-dahan lang at hayaan mo munang mahinog ang “friendship” sa pagitan n’yong dalawa, sa susunod pang mga taon, tiyak na makatatagpo ka ng maligaya at panghabambuhay na pag-ibig.

Itutuloy

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page